• Home
  • Fresh Scoops
  • Celebrity Horrorserye: Boy Abunda reveals he prays for Ozone tragedy victims

Celebrity Horrorserye: Boy Abunda reveals he prays for Ozone tragedy victims

For the month of Halloween, Push has a series of stories related to the supernatural. This is the first in a series of horrorseryes.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/18/2016 10:53 AM
Celebrity Horrorserye: Boy Abunda reveals he prays for Ozone tragedy victims


101816-BoyABunda_PUSH.jpg

For the month of Halloween, Push has a series of stories related to the supernatural. This is the first in a series of horrorseryes.

May bagong branch ng Goodah ang binuksan kamakaikan sa Timog Avenue, Quezon City. Ito rin ang lugar kung saan nakatayo noon ang Ozone Disco kung saan naganap ang malagim na trahedya twenty years ago na ikinasawi ng maraming kabataan. Aminado si Boy Abunda na naniniwala siya sa mga bagay na di nakikita ng ating mga mata at nagbibigay galang siya dito.

"Ako I believe na were not alone in this world. I am in the belief na kailangan magpasintabi tayo."

Naibahagi pa ng King of Talk na ipinagdasal niya ang mga kalukuwang nasawi isang gabi ng mapadaan siya sa lugar.

"Last night nagpunta ako dito ng walang tao. Gusto ko lang tingnan ang lugar and quietly I spoke to the spirits sabay dasal na rin sa Panginoon Diyos at sinabi ko bukas ay opening na po namin. Sabi ko tabi tabi patawad sana po ay basbasan nyo kami."

Ang pananampalataya sa Panginoon ang pinaka importante ayon kay Boy kaya’t kampante ang kanyang loob sa bagong negosyong binuksan.

"Sasabihing wala akong takot. Mayroon noong umpisa. Bakit tayo matatakot wala naman tayo kinalaman doon. Maiintindihan yan," sabi pa ni Boy.