Ilocos Norte sets a “Lilia Cuntapay Day”

According to Jun Gudoy, Lilia is one of the people who brought pride to the Ilocanos

BY JOAN LEARY

FRESH SCOOPS

10/17/2016 9:59 AM
Ilocos Norte sets a “Lilia Cuntapay Day”


101716-Lilia.jpgNagbigay pugay ang pamahalaan ng Ilocos Norte sa yumaong horror aktres na si Lilia Cuntapay.

Sa ika-apat na selebrasyon ng Semana ti Ar-aria sa Halloween, October 31  gaganapin ang “Lilia Cuntapay Day."

Ayon sa report, magkakaroon ng parada ng iba’t ibang uri ng multo at magkakaroon din ng pageant para sa next horror queen. Si Lilia ay isang Ilokana na laging dumadalo sa mga nakaraang Semana ti Ar-aria.

Noong Hulyo ay nanawagan pa ang tinaguriang “Queen of Philippine Horror Movies” ng tulong dahil sa iniinda niyang sakit sa spinal cord. Ang kanyang kondisyon ang naging rason kung bakit din natigil ang beteranong aktres sa pagta-trabaho.

Binawian siya ng buhay noong August 20.

"She is one of the people who made us proud to be Ilocano. Sa ganitong paraan hindi natin siya makakalimutan," ani Jun Gudoy, pinuno ng Ilocos Norte Communication and Media office.

Bumida rin sa iba’t ibang pelikula at serye si Lilia kabilang na ang “Shake, Rattle and Roll,” “Okatokat” at “Wansapanataym.” Nakakuha rin siya ng Best Actress Award sa 2011 Cinema One Originals Digital Film Festival nang bumida siya sa indie film na “Six Degrees of Separation From Lilia Cuntapay" ni Direk Antoinette Jadaone.