• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Director Jason Paul Laxamana says he wants to do a movie with Daniel Padilla

EXCLUSIVE: Director Jason Paul Laxamana says he wants to do a movie with Daniel Padilla

Director Jason Paul Laxamana has other movies lined up with Star Cinema.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/17/2016 9:55 AM
EXCLUSIVE: Director Jason Paul Laxamana says he wants to do a movie with Daniel Padilla


101716-JPLaxamna_PUSH.jpgNasorpresa si Jason Paul Laxamana, director ng Star Cinema movie na The Third Party, kung paano siya tinrato ng lead stars niyang sina Angel Locsin, Sam Milby at Zanjoe Marudo pati na rin ng Star Cinema habang ginagawa niya ang pelikula.

“Well, ako nung talagang pinasok ko to, kinakabahan ako kasi siyempre, mas matagal sila sa industriya kesa sa akin, even yung mga producers ko. Pero they never made me feel na baguhan ako. Siguro nakatulong yung mga achievements natin sa past films natin—Cinemalaya, Magkakabaung.

“So, meron silang respeto sa akin na minsan, ako kinakabahan na baka feeling nila ano ako, sobrang taas, eh, feeling ko nagsisimula pa lang ako. So yon, fortunate lang ako na hindi nila pina-feel sa akin na bago ako,” paliwanag ni Direk Jason sa Push.com.ph.

Bukod sa The Third Party, umaasa ang director na sana ay makagawa pa rin siya ng pelikula sa Star Cinema.

“Marami pa akong upcoming sa Star. Parang first of the many pa lang siya. Meron akong isa ring pinitch sa kanila na ang sabi, grineen (green) light nila, pero parang hindi pa siya ngayon (gagawin). Iba pa yung gagawin ko after nito,” sey pa niya.

From being an independent filmmaker, handa raw naman siyang mag-adjust sa pagdidirek ng mainstream movie.

“Ako personally, talagang nasa learning mode ako. First time ko sa mainstream and siguro unlike other independent filmmakers, ako I come sa mainstream as a person na walang alam,” sambit pa niya.

Dagdag pa ni Direk Jason, “Kasi you can’t discount the fact na Star Cinema has been producing very successful films at box-office pa. Sino ba ako para magtataray-taray na eto yung gusto kong gawin, eh, mas matagal na sila dito.”

After The Third Party, ginagawa naman ngayon ni Direk Jason ang pelikulang Puwera Usog ng Regal Films na posibleng maging Metro Manila Film Fest entry. Anong feeling niya na isa siya sa in demand directors ngayon?

“Tsamba lang siguro,” matipid niyang reaksyon.

Samantala, gusto rin daw niyang maidirek ang ibang Kapamilya leading men.

“Gusto kong idirek si Daniel Padilla pero hindi yung usual na ginagawa niya, gusto ko yung may bali,” masaya niyang pagtatapos.