• Home
  • Fresh Scoops
  • Director Jun Lana admits he had three girlfriends before he ‘came out’

Director Jun Lana admits he had three girlfriends before he ‘came out’

Director Jun Lana reveals he had three serious relationships with women before he admitted he was gay.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/17/2016 9:53 AM
Director Jun Lana admits he had three girlfriends before he ‘came out’


101716-JunLana_PUSH.jpgNagulat kami sa pag-amin ni direk Jun Lana na nagkaroon siya ng girlfriend bago siya nag-come out as gay. Ito ang kanyang ini-reveal nang makausap siya ng Push.com.ph sa presscon ng pelikulang Bakit Lahat Ng Gwapo May Boyfriend na pinagbibidahan nina Anne Curtis, Dennis Trillo at Paolo Ballestero na showing on October 19.

“Opo. Nagka-girlfriend po ako… actually, girlfriends po. Late po kasi ako nag-out, eh,” kuwento ng director.

Ilan ang naging girlfriends niya?

“Naka-tatlo po ako. Serious naman po yon,” sagot niya.

Kelan yung first time na pakikipagrelasyon niya sa babae?

“I was 19, college po,” natatawa niyang pahayag.

Regarding his movie, may paliwanag si Direk Jun sa nagsasabing wala raw kawawaan ang kuwento ng Bakit Lahat Ng Gwapo May Boyfriend.

“Siyempre, meron naman (kuwento). Kailangang panoorin ninyo para makita ninyo yung kuwento no’n. And as a Palanca hall of famer na gumagawa ng mga scripts, I make sure naman po na ang mga ginagawa kong pelikula ay may kuwento.”

Patuloy niya, “But of course, it’s a comedy, eh, so you don’t have to take so seriously. But you know, may comic root lahat ng situation.

“Ang pelikulang ito ay romcom, ang ibig sabihin nito kung manonood ang tao, mag-i-enjoy sila, kung gusto nilang kiligin, kikiligin sila. Yon yung pelikula namin.

Bakit ba sa palagay niya ay mas nauuso ngayon ang gay-themed movie tulad ng pelikula niya?

“Siguro what it means is mas liberal tayo, mas may pagtanggap kaya mas maraming materials na ganito, as supposed to maybe five or ten years ago.

“I don’t think this would be a mainstream project kung mga five years ago. Mas may pagtanggap ngayon kaya mas masaya, sana magkatulungan kami nung isa pang pelikula. Yon lang naman ang hope natin kasi gusto nating lahat kumita dahil iilang pelikula na lang naman ang ginagawa ngayon,” rason niya.

Eh, ano ba ang bago sa kanyang pelikula?

“It’s really a romantic comedy. So, ang objective namin is for the entire family to really enjoy, magpakilig at matawa. Ang daming situations dito, ang daming scenes na talagang nakakatawa, as in buong pelikula yata yon. Yung nakita n’yo sa trailer, ilan pa lang yon sa mga eksena.

“And when I made this film I made sure that the gay characters are dignified, they’re accomplished inpiduals, they’re intelligent. Hindi lang sila source ng katatawanan kundi buong-buo yung mga characters nila. And I wanted to give them dignity.

“But at the same time, dahil kaming mga bakla ay masayahin at nakakatawa, ang daming puwedeng panggalingang katatawanan, eh, at yon yung nag-inspire din sa akin sa paggawa ng pelikulang ito,” pagtatapos ng ni Direk Jun.