• Home
  • Fresh Scoops
  • Derek Ramsay says he was protective of Lovi Poe in their love scenes

Derek Ramsay says he was protective of Lovi Poe in their love scenes

Derek Ramsay says Lovi Poe is effortlessly sexy.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/17/2016 9:56 AM
Derek Ramsay says he was protective of Lovi Poe in their love scenes


101716-DerekRamsay_PUSH.jpgAminado si Derek Ramsay na mas daring ang latest film niya sa Regal Entertainment na The Escort kesa sa ginawa niya noon with Anne Curtis and Cristine Reyes na No Other Woman.

“The great thing about it is it’s more daring pero hindi kami nag-lovemaking ni Lovi (Poe), eh. It was all foreplay kasi virgin nga siya (sa movie), hindi pa siya ready, but grabe ‘yung sexual tension, parang mas naging sexy pa nga kasi hindi naman siya consummated. So it was actually, sexier,” kaswal na kuwento ni Derek sa presscon ng The Escort.

Ayon pa kay Derek, wala raw ka-effort-effort na magpa-sexy si Lovi sa kanilang pelikula.

“Not once that we had to say, ‘oops cut, palitan natin ang angle para mas payat ka tignan.’ ‘Yung lighting, hindi na pinalitan. Every angle, she looked good.

“So, you know, walang daya. I’m not saying the others, nandaya, pero talagang sa kanya, she’s really… what you see on the magazines, ganu’n talaga.”

Eh, paano naman niya prinotektahan si Lovi sa kanilang daring love scenes?

“I talked to her, ‘okay ka lang? I gurarantee you, you’ll be safe.’ To the point na halos wala nang (nakatakip sa breast niya), and she was comfortable, everything was ok. Talagang I protected her para hindi siya mabosohan.

“Mahirap kasi na umaarte ka, iniisip mo pa na baka lumabas ‘yun. So, I sat her down, sabi ko, ‘look, I guarantee you, nothing will happen to you.’”

Dagdag pa ng actor,  “You just have to keep her chest pressed to yours especially kapag may transition na ng positioning, you’d grab her close to you and pwede mo nang iarte ‘yun, kunyari nanggigigil ka.”

Hindi ba siya na-turn on sa kaseksihan ni Lovi?

“Big no-no sa akin ‘yan,” natatawa niyang sagot.

“I cannot allow myself, you shut yourself down. Everything. Talagang shut down, talagang hindi ka pwede.”

Nakatulong din daw yung mainit na ilaw at mga taong nanonood para hindi siya makaramdam ng kakaiba.

“When we did the love scene, it was very different kasi the director allowed us to use music which can even help become more passionate and more intimate and more romantic and sexy. So, it was kinda harder to switch yourself off. Pero I won’t start the scene kung hindi ko alam kontrolin. I always tell, ‘direk, teka lang ha?’ And then, I meditate, internalize,” kuwento ni Derek.

Sa dami na rin daw ng naka-love scene niya, so far ay wala pa naman daw nagrereklamo.

“They all have the same thing that they say and which is I appreciate, kasi I put a lot of effort into it. They feel safe and they feel like they’re being respected. So I continue to do that to whoever girl that I work with,” sabi pa ng actor.

Nasa cast din ng The Escort na idinirek ni Enzo Williams sina Christopher de Leon, Jean Garcia, Albie Casino at Dimples Romana. Showing ang pelikula sa November 2.