Camille Villar has no more plans of exploring showbiz

Camille Villar wants to pursue her parents’ advocacies.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/17/2016 9:50 AM
Camille Villar has no more plans of exploring showbiz


101716-VillarCamille_PUSH.jpgFull support ang dating TV host at nagyo'y career woman Camille Villar sa isang Pinoy food expo sa Silang, Cavite para tikman at i-promote ang iba't ibang klase ng organic lechon ng mga organic farmers ng Cavite.

Kilalang mga senator ang mga magulang ni Camille na isa sa mga nagpapalago ng local livelihood program sa bansa, at isa din si Camille sa mga sumusuporta sa programang ito ng kanyang mga magulang.

"My mom (Sen. Cynthia Villar) really made farm schools and organic farming and support local of farmers as one of our advocacies. So every time na there's an event like this that our native products propagate ay talagang sinusuportahan natin."

Kilala din ang kanyang pamilya sa mga tumulong sa The Voice Kids Season 3 winner Joshua Oliveros na matupad ang pangarap nito na magkaroon ng sariling bahay. Kuwento ni Camille ay ibang saya ang kanyang nararamdaman sa tuwing siya ay mabibigyan ng pagkakataon na tumulong.

"Napaka fulfilling. Alam mo when I saw how hard he works and the story of his life, although I couldn't decide who will win but siyempre siya because of his exemplary voice e nakakatuwa talaga."

Dagdag ni Camille ay any time at puwede ng makuha ni Joshua Oliveros ang kanyang napalanunang bahay sa The Voice Kids.

"Actually I awarded like month and a half ago so pag okay na ang schedule niya we will ready to award the house to him. Pero siyempre ngayon pumipili pa siya kung saan ang location na gusto niya for the family."

Sa ngayon masaya na si Camille sa pag-manage ng kanilang family business, pero bilang isang dating TV show host minsan ay namimiss pa rin niya ang saya at ang mga dating naging ka-trabaho.

"I missed everyone everyday but this is really where I am supposed to be, so nag eenjoy na talaga ako. Hindi ko namimiss yung mga trabaho ng showbiz, but definitely mas namimiss ko yung mga kasama ko whenever I watch those TV shows. I miss the time we were laughing when it's really funny and being with the people more than anything."