• Home
  • Fresh Scoops
  • Vina Morales goes sexy, shows off abs for 30th anniversary concert

Vina Morales goes sexy, shows off abs for 30th anniversary concert

Ogie Alcasid, Gary Valenciano, Daniel Padilla, and Robin Padilla make Vina Morales’s concert even more memorable.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/16/2016 9:48 AM
Vina Morales goes sexy, shows off abs for 30th anniversary concert


101616-VinaMorales.jpgWell attended ng malalapit na kaibigan, tagahanga at ilan sa mga ka-trabaho ni Vina Morales ang kanyang 30th anniversary concert sa Kia Theater. Na-delay man ang pag-umpisa ng concert dahil sa naging technical problem, tiniyak ni Vina nag-enjoy pa rin ang kanyang audience.

Pinasiklaban agad ni Vina ng intense opening number ang gabi kung saan kinanta niya ang sariling version ng “This is My Now” na sinundan agad ng mainit na production number medley ni Madonna.

Mas lalong pinainit ni Vina ang gabi dahil sa sexy outfit kung saan kitang kita ang fit and sexy niyang pangangatawan. Pinakita din niya ang kanyang trademark na abs na talaga daw mismong pinaghandaan niya para sa concert.

Hindi din pinalagpas ni Vina ang gabi na hindi niya binalikan ang mga taong tumulong at unang naka-discover sa kanya noong siya ay nag uumpisa pa lamang. Kanya naman itong sinundan ng mga naging hit na awitin gaya ng “Alam Mo Ba,” “Muli,” at “Sana ay Ikaw na Nga.”

First time din kinanta ni Vina sa kanyang concert ang bagong awitin na “Maghihintay Kailanman” composed by Rox Santos of Star Music.

Bukod sa kanyang mga naging solo performance naging espesyal din ang gabi dahil hindi binigo si Vina ng kanyang mga special guest tulad nila Ogie Alcasid, Gary Valenciano, Daniel Padilla at ang nagpakilig sa audience na ex-boyfriend niyang si Robin Padilla.

Present din sa concert ang kapatid ni Vina na si Shaina Magdayao. Kasama nito ang nag iisang anak ng kanyang ate Vina na si Ceana kung saan nakipagsabayan din ito sa pag-awit.

Nagtapos ang concert sa medley ng masasayang awit na personal niyang pinili, pero hindi nawala sa line up ang all time hit ni Vina na “Pangako Sa'Yo” na likha ni Rey Valera.

Sa huli, labis na pasasalamat ni Vina ang kaniyang hatid para sa mga taong naniwala at naniniwala sa kanya sa nag daang 30 years niya sa industriya.

"I would like to thank… Of course I'm so grateful to God. And I would like to thank all of you for celebrating with me my 30th year in the business and for coming here in my concert. Maraming salamat!"