• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Marion Aunor admits she thinks of quitting showbiz because of her ‘different music’

EXCLUSIVE: Marion Aunor admits she thinks of quitting showbiz because of her ‘different music’

Marion Aunor says her music may be for a different kind of audience.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/16/2016 9:47 AM
EXCLUSIVE: Marion Aunor admits she thinks of quitting showbiz because of her ‘different music’


101616-MarionAunor.jpgDahil sa mga nominations sa PMPC Star Awards for Music at sa Awit Awards kaya hindi na muna itinuloy ni Marion Aunor ang balak sana niyang pagku-quit sa music industry.

“Ayun, parang nasagot yung prayers na… kasi sinabi ng mom ko kung itutuloy ko pa ba o hindi, magbigay ng signs si God. Tapos lumabas lahat ng nominations,” pagtatapat ng singer-composer sa Push.com.ph.

Pareho raw nilang desisyon ng mommy (Lala Aunor) ang balak sanang pamamahinga niya sa pagkanta.

“Kasi siyempre, gusto niya na maging successful din ako sa career ko and then, hindi natin alam kung ano ba yung number of years na malalaman mo kung stop ka na ba o itutuloy mo pa ba.

“Mahirap din talaga, eh. Kaya nga dumating din kami sa point na magku-quit na ba kami o tutuloy lang,” pahayag pa ni Marion.

Tatlong taon na sa music industry si Marion na nagsimula ang career sa Himig Handog P-Pop Love Songs. Bakit nga ba naisip niyang wala na lang ituloy ang pagiging musician?

“I think ano lang po, minsan yung frustration lang sa music. Na yung iba, masyadong natataasan sa kind of music na sinusulat ko, so iniisip ko kung may future ba dito sa Philippines yung ganitong thing.

“Kasi siyempre, yung mga influences ko mga international, so ganu’n din yung lumalabas na music sa akin. Siyempre ang hinahanap po nila yung medyo birit, yung usual na OPM sound, so medyo mahirap mag-penetrate,”

Kontento naman daw siya sa ginagawang pag-aalaga sa kanya ngayon ng Star Music.

“Nakukuha naman po nila yung gusto kong packaging as an artist. Pinu-push din nila ako don sa nakikita nilang tamang market. Sila nga po yung nag-suggest na mag-bar tour ako instead of mall shows dahil yung music ko daw baka mas ma-appreciate sa bar tours.

“Sa mall show masaya yung shows kapag masa yung songs na gagawin ko or like magre-reach out ako sa audience, connect with them, pero siyempre gusto ko din yung music ko makapag-stand alone without yung mga gimik na papakiligin ko yung audience, yun ganun,” she said.

Naisip na rin ba niya na baguhan ang kanyang style of music at tumulad na rin sa iba para mas ma-appreciate siya ng masa?

“Sometimes naiisip ko, na parang ang hirap naman nito. Kaya lang, every time na magkakaroon ako ng mga ganu’ng feeling sine-share ko siyempre sa Star Music, tapos sila yung nag-i-encourage sa akin na ‘ituloy mo lang yan.’ Actually, very encouraging sila, nagugulat ako na encouraging sila sa ganitong music kasi gusto rin nilang makakuha ng ibang market din and that’s where I come in,” paliwanag ni Marion.

Samantala, uumpisahan ni Marion ang kanyang bar concert tour titled Marion Plus Le Band sa 19 East Bar and Grill (Sucat) on October 16 (Sunday) with special guest Michael Pangilinan. May shows din siya na naka-line-up sa iba pang bars sa November and December.