Dennis Trillo says he’s very particular of his image

Dennis Trillo says he has no regrets about the movies he’s done in the past.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/16/2016 9:48 AM
Dennis Trillo says he’s very particular of his image


101616-DennisTrillo.jpgIpinakita ni Dennis Trillo sa result ang kanyang drug test na malinis ang kanyang katawan sa illegal substance. Ayaw niyang mapagdudahan kaya siya na mismo ang boluntaryong nagpa-drug test.

Wala ring nababalitang scandal o controversy tungkol sa actor dahil ayon na rin sa kanya, sobrang maingat siya sa kanyang ginagawa.

“Wala kasi good boy naman talaga ako sa totoong buhay,” pahayag pa ng isa sa bida sa Bakit Lahat Ng Gwapo May Boyfriend na showing on October 19.

“‘Yung mga ano ko dati, siyempre nagawa ko yun dahil kasalanan ng mga kabataan,” dagdag pa niya.

Part din daw ng pagiging maingat niya ay ang maturity.

“Kapag nagma-mature ka, alam mo na kung paano itama ang sarili mo. Kung paano umiwas sa gulo,” sey pa niya.

Nabanggit din ni Dennis na wala siyang masyadong regrets in the past maging sa mga pelikulang ginawa.

“Very minimal lang ang regrets ko. Wala akong masyadong maalaala na talagang bagay na pinagsisihan ko.

“Wala naman masyado, kasi maingat din naman ako. Pinipili ko rin ang mga projects na feeling ko makakatulong din sa akin,” sabi pa niya.

Kapag hindi na masyadong active sa pag-arte ay balak din pala ni Dennis na magdirek.

“Gusto ko talaga. Siguro, mag-iiba na ako ng linya kapag sa tingin ko nagawa ko na lahat. Gusto ko ng filmmaking pero mag-aaral pa ako,” kuwento niya.

Tungkol naman sa bago niyang pelikula, sey ng actor,  “Nagpapasalamat ako na nangyayari ang lahat ng ito sa akin dahil hindi naman lahat ng artista nagkakaroon ng ganitong klase ng project, makakatrabaho si Anne (Curtis), si Paolo Ballesteros… very thankful ako sa lahat ng mga nangyayari.”