• Home
  • Fresh Scoops
  • Vic Sotto and Pauleen Luna are planning to have their first baby

Vic Sotto and Pauleen Luna are planning to have their first baby

Vic Sotto says they are still enjoying their time as a couple and are in no rush to have a baby.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/16/2016 12:33 AM
Vic Sotto and Pauleen Luna are planning to have their first baby


101516-VicSotto_PUSH.jpgFresh and looking young si Vic Sotto sa launching ng kanyang bagong endorsement. Dito ikinuwento ni Bossing ang tunay na sikreto kung bakit hindi pa din nawawala ang kanyang kakisigan.

"My wife (Pauleen Luna). She's always been very supportive to me kahit bago pa naman kami ikasal. Mas lalo na nung magsama na kaming dalawa. At yun yung mga quality niya na talagang naibigan ko."

Dahil happily married na si Bossing, naitanong din sa kanya kung napag-uusapan na ba nila ang plano sa pag buo ng kanilang baby at ayon mismo kay Bossing ay nasa plano na nila Ito.

"Totoo yan try and try until siguro in God’s time na mabiyayaan na ng supling. No pressure ngayon relax lang chika lang muna."

Pero habang wala pa daw baby, ineenjoy daw muna ni Bossing ang moments nila together ni Pauleen kahit sa simpleng pag road trip lang ay masaya na sila.

"Even before we got married, kaming dalawa naman kahit road trip lang. Nagkakatalo na kami kahit papuntang Subic, Bataan or South area, parang its our way from getting away from trabaho."

Kuwento ni Bossing sa lahat ng naging getaway nila bilang mag-asawa, ang pinaka mas memorable pa din sa kanya ay ang naging moments nila ni Pauleen noong nag honeymoon sila sa Malpes.

"Honeymoon pa rin in Malpes. Pero I know na mayroon pang pwedeng maging mas memorable doon at yun yung mga coming trips pa namin," pagtatapos ni Bossing.