• Home
  • Fresh Scoops
  • Miss Universe Philippines 2011 Shamcey Supsup reacts on new Miss Universe ruling

Miss Universe Philippines 2011 Shamcey Supsup reacts on new Miss Universe ruling

Shamcey: ‘Iba kasi ang oras ng pageants sa iba ibang bansa’

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/16/2016 12:36 AM
Miss Universe Philippines 2011 Shamcey Supsup reacts on new Miss Universe ruling


101516-ShamceySupsupo_PUSH.jpgPinag uusapan ng pageant experts ang bagong inilabas na ruling ng Miss Universe Organization na lumabas sa kanilang website na  MissUniverse.Com.

Ayon sa bagong ruling, hangga’t hindi lumalaban sa Miss Universe ang reigning delegate ng isang bansa ay ‘di pwede na mag-korona ng kanyang successor. Affected dito ang karamihan sa latin countries gaya ng Colombia, Venezuela at iba pa na maaga nagaganap ang local pageants sa kani kanilang mga bansa. 

Sa kanyang special appearance sa opening ng Shopalooza Christmas Bazaar sa Marikina Riverbanks nagbigay reaction si 2011 Miss Universe Philippines Shamcey Supsup. 

"Iba kasi ang oras ng pageants sa iba ibang bansa like sa Colombia ng magpunta ako before at sa ibang bansa maaga ang pageant nila para mas mahaba ang preparations at makaikot sa charity works and duties ang candidate nila bago lumaban. Siguro gusto lang ng Miss Universe na pare pareho sa lahat ng countries na sasali," saad niya.

Napapanahon na rin ang paglaban ni Maxine na ating delegate sa Miss Universe Pageant ngayong taon. 

"Si Maxine nakita ko na yan three years ago at noon pa siya dapat sumali pero mas napaganda ngayon kasi mas nag-ripen siya as a woman and I have high hopes sa kanya sabi ko nga wag magpadala sa pressure sa kanya. Yung pagkaka panalo ni Pia advantage sa kanya yun gamitin niya yung attention na makukuha niya and just be the best version of herself," paliwanag ni Shamcey.  

Hoping din si Shamcey na wala ng issues at matuloy na ang Miss U pageant sa ating bansa.  

"Sana sana matuloy dito and Im very very priviledged kung dito magaganap sa atin ang Miss Universe and for me na maging bahagi ulit ng prestigious pageant,” saad ni Shamcey. 

Isang special documentary din ang binubuo ngayon ng mga lumabang pinay sa Miss U na binigyang detalye ni Shamcey.  

"We’re doing this to document yung naging journey ng bawat isa mula kay Miss Glitia Diaz hanggang ngayon. Sabi nga ni Miss Gloria [Diaz] na noong time nya hindi siya ganun ka prepared basta laban na kang ngayon ibang iba na mayroon ng science at formula para maging successful na beauty queen," kwento ni Shamcey. 

Sa Lunes October 16, isang press conference ang ipapatawag ng Department of Tourism na may mahalagang announcement na ibibigay. Inaasahan na ito na ang official announcement na magsasabi na dito na nga sa Pilipinas magaganap ang prestigious pageant na huling naganap sa bansa noong 1994.