• Home
  • Fresh Scoops
  • Christian Bautista admits he’s envious of ex-girlfriend Rachelle Ann Go's international career

Christian Bautista admits he’s envious of ex-girlfriend Rachelle Ann Go's international career

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/16/2016 12:32 AM
Christian Bautista admits he’s envious of ex-girlfriend Rachelle Ann Go's international career


101516-CristianBautista_PUSH.jpgSa presscon ng When Julie Anne Meets Christian concert ay hindi naitanggi ni Christian Bautista na nakakaramdam siya ng inggit sa ex-girlfriend na si Rachelle Ann Go dahil sa pagkakaroon nito ng bonggang international career dahil sa Miss Saigon na after mapanood sa London ay dadalhin naman sa Broadway.

“Minsan siyempre (naiinggit). Yan ang dream ng bawat arist, eh, makapunta ka sa London, makapunta ka sa Broadway,” pagtatapat ni Christian.

“Pero tatanggalin mo ‘yung iniisip mo na ‘yun and you just be proud of her. Kasi, for me, she’s the next Lea (Salonga),” patuloy pa ni Christian.

Hindi ba siya nanghinayang sa relationship nila ni Rachelle noon?

“Ah, tapos na tayo du’n. We’re friends. Okay na po tayo du’n. Ganu’n po talaga. Pero I’m very, very proud of her,” katwiran pa niya.

In more than a decade sa music industry, aminado si Christian na patuloy pa rin niyang pinaglalabanan hanggang ngayon ang pagkakaroon ng insecurity.

“I think every artist has insecurity. I have insecurities as well. Kasi, dati pa ‘yan, nasa ABS-CBN pa ako, mayroon nang mga bagong dumadating every half year, every six months, may bago.

“Paano ko ina-address? Well, I keep on going, patuloy lang. They deserve their own breaks, they deserve their own piece of sky.

“And ikaw din, as long as you’re working, mayroon kang inilalabas, anuman ‘yan —mag-business ka like Marvin Agustin or mag-theater ka, or kumanta ka, mag-release ng album – patuloy lang.”

Samantala, first time nina Christian at Julie Anne San Jose na magkasama sa iisang concert kaya hindi maiwasan ng dalawa ang ma-excite.

“Na-excite po talaga ako,” say ni Julie Anne kasi po finally, magkakaroon na ako ng concert with Christian. Kasi before po, madalas, paisa-isang production numbers lang po ang ginagawa namin.

“Ito po, sobrang nilu-look forward ko itong concert na ito kasi makakasama ko po ang isang Christian Bautista.”

Ayon naman kay Chrisian,  “Like her, I’m very, very excited kasi when I’m with her, I feel so young. Mas ginaganahan ako mag-perform.

“If you’ve seen her in any performance, anything, she gives her all. So, napakagaling niya and I’m very excited to work with her, finally, in a full show.”

Magaganap ang When Julie Anne Meets Christian sa November 11, 2016 sa Kia Theatre.