Arjo Atayde enjoying single life

Arjo Atayde admits his work schedule caused his growing relationship with Jane Oineza to stop.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/14/2016 11:12 AM
Arjo Atayde enjoying single life


101416-ArjoAtayde_PUSH.jpgSa mainit at patinding-patinding eksena ng highest rating prime time show na FPJ's Ang Probinsyano, masaya ang aktor na si Arjo Atayde para sa mga positibong komento at papuring kanyang nakukuha mula sa kanyang pagganap sa character bilang si Inspector Joaquin Tuazon.

Ayon kay Arjo, malaki ang pasasalamat niya sa pag tulong sa kanya ng mga katrabaho at ka-eksena gabi-gabi para mapanindigan niya ang kanyang role bilang isang kontrabida.

"Lahat po ng co-stars ko po kasi they teach me, they help me out with their emotions as well so pag nagbibigay sila ng emotion I easily adapt with them kumbaga tulungan po in a same way."

Mas naging espesyal naman para kay Arjo ang mga papuri dahil ang mismong ina ni Arjo na ang award-winning actress na si Sylvia Sanchez ay bilib sa galing at husay ng anak. Ayon kay Arjo, "Hindi ko naman ma dedeny na she's one of the best actress talaga here in the Philippines. For me, it's an honor coming from my mom and she wouldn't be biased at all. I mean it's a good thing for me na pinagmamalaki ko what she's saying na I'm better than her and it's a blessing and I'm very thankful for whatever she say but still I have to improve myself."

Umaani man ng papuri ang binatang aktor, aminado si Arjo na hindi gaanong masaya ang kanyang love life. Ito ay dahil sa naudlot na magandang pagtitinginan sana nila ni Jane Oineza kwento ni Arjo.

"Wala po, we’re friends. Mahirap po i-explain. I think it is because of the busy schedule din po. For now as I said focus muna sa career, we take shoots for Ang Probinsyano almost everyday, but at the same time nawawalan ako ng oras sa  family so dun muna ako mag-focus. With friends, family."