Ritz Azul to attend Star Magic Ball for the first time

Ritz Azul admits she feels nervous attending the Star Magic Ball.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/13/2016 10:09 AM
Ritz Azul to attend Star Magic Ball for the first time


101316-RitzAzul_PUSH.jpgFit at sexy na rumampa sa runway ang bagong kapamilya actress na si Ritz Azul para sa isang product launch ng isang foreign hair products na Selective Professional.

Dahil kapansin-pansin ang kanyang transformation, hindi maiwasan na itanong sa aktres kung ano nga ba ang kanyang pinag hahandaan.

"Oo naman yung Star Magic Ball. Actually kinakabahan ako kasi andami kong makikitang bagong mukha tapos ang prestigious nung event and glamorous so kumbaga naiisip ko kailangan talaga natin makipagsabayan."

Handa man makipagsabayan sa gabi ng Ball, handa na din daw ang dalaga na maglakad ng solo sa red carpet.

"Not sure kung solo or may date, pero tingin ko kung mag-solo nalang ako."

Dagdag pa ni Ritz bukod sa Ball, pinaghahandaan din niya ngayon ang kanyang bagong pag bibidahang teleserye na may working title na The Promise of Forever.

"The Promise of Forever, ongoing pa din po ang taping namin hanggang ngayon. Nasa week three na yung shoot namin and I'm not yet sure kung kailan lalabas, pero hopefully this year or early next year," pagtatapos ng aktres.