• Home
  • Fresh Scoops
  • Piolo Pascual reveals drug testing is part of his annual physical checkup

Piolo Pascual reveals drug testing is part of his annual physical checkup

Piolo Pascual advocates voluntary drug testing.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/13/2016 10:46 AM
Piolo Pascual reveals drug testing is part of his annual physical checkup


101316-PioloPascual_PUSH.jpgLooking forward ngayon si Piolo Pascual sa yearly fun run ng SunLife sunPiology na may tema ngayong taon na Sugar War. Kahit fit and healthy na si Piolo, asam pa din niya ang mas healthier na pangangatawan.

Dahil sa pagiging health conscious ng aktor at pag-promote nito ng healthier lifestyle, ayon sa kanya ay nakagawian na rin niya ang taunang pag papa-drug test na bahagi ng yearly checkup.

"As a family, kasama din yun sa yearly general check up just to make sure and whatever happens at least you know, di ba."

Dahil napapanahon ngayon ang mandatory drug testing ng mga artista, advice ni Piolo na gawin na din itong habit ng iba para hindi na mapag-isipan pa ng masama ng mga taong manapira.

"Oo para hindi ka na ma-random [drug test] or sabi nga nila pag hindi ka nag voluntary drug testing they issue a warrant or whatever, so if you’re not guilty then show it."

Aminado naman ang aktor na suportado niya ang kampanya ng pamahalaang Duterte sa pag sugpo sa iligal na droga pero hiling naman ni Piolo na huwag na sana ilagay pa sa kahihiyan ang mga kasamahang artista sa industriya. 

"Sana wag naman kung pwede naman natin sabihan privately para hindi na ma embarrassed at least they will learn." 

Dahil sa magandang image ngayon ni Piolo, open din siya kung sakaling kuhanin siya ng pamahalaan na maging ambassador on war on drugs.

"Why not? Why not ‘di ba? I have my certain advocacy you know parang you want to use your influence in a right way na din and use your image to be a good example at least pati ikaw you're always in check," pagtatapos ng aktor