• Home
  • Fresh Scoops
  • Michael Pangilinan admits he still feels insecure with other singers

Michael Pangilinan admits he still feels insecure with other singers

Michael Pangilinan believes that being competitive can only make him a better singer.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/13/2016 10:06 AM
Michael Pangilinan admits he still feels insecure with other singers


101316-MichaelPangilinan_PUSH.jpgMaganda ang takbo ng career ng tinaguriang Harana Prince at pinakabagong singing heartthrob ng Star Music na si Michael Pangilinan. In fact, may bago siyang album titled Michael na may carrier single na “Hanggang Kailan” at nagkaroon pa ito ng launching last Saturday night, October 8.

Pero alam n’yo ba na hanggang ngayon ay nakakaramdam pa rin ng insecurities si Michael sa ibang singers?

“Oo naman, nai-insecure pa rin ako. Lalo na yung mga kasabayan ko sa genre ko, like Daryl Ong, JayR, Kris Lawrence, those R&B singers, nakaka… So every time na naririnig ko sila, may time na… talagang alam mo yon, dapat mas okey ako diyan, ganu’n.

“Walang masama sa pagiging competitive. Mas okey yon dahil mas nalalaman mo kung kaya mo pa bang i-enhance yung kakayahan mo sa music,” pag-amin ng singer.

Kailangan din daw ng hard work para makasabay sa mga magagaling na singer ngayon sa music industry.

“Actually, para mangyari yon, hard work din. Lagi akong nakikinig ng mga runs o kulot-kulot para masanay ako… so yon.”

Pero hindi raw naman niya itinuturing na threat sila sa kanyang career.

“Ah, hindi naman. Kasi kung wala akong trabaho, eh, di wala. Kung meron, meron,” sagot niya.

Inusisa na rin namin kay Michael kung bakit ayaw na niyang gumawa ng pelikula ngayon kahit may mga offer. First movie ni Michael ang Pare Mahal Mo Raw Ako na pinagsamahan nila noon ni Edgar Allan Guzman.

“Siguro, hindi pa ako do’n. Ang layo ko pa. Mas gusto ko munang kumanta nang kumanta. Mas masarap kumanta kesa sa umarte,” katwiran niya.

Ibinahagi naman ni Michael kung paano niya name-maintain ang magandang boses at kung bakit pagaling siya nang pagaling sa pagkanta base na rin sa obserbasyon sa kanya ng press.

“Actually, simula nu’ng nag-start ako sa fitness world, do’n ako nag-ano, nagbago talaga as in total change talaga. Dahil nu’ng nag-gym ako, do’n nag-start na tanggalin ko yung sigarilyo, alak, yung puyat, yung labas, kumain ng hindi magagandang pagkain, fatty foods.

“Actually, more on healthy food ako ngayon. Medyo strict ako sa pagkain. May sarili akong food. Mas may disiplina rin siguro ako ngayon dahil sa gym,” pagtatapat ni Michael.