Robin Padilla asks for prayers for Mark Anthony Fernandez

Robin Padilla wants to fulfill his promise to the late Rudy Fernandez to guide Mark Anthony Fernandez.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/12/2016 10:19 AM
Robin Padilla asks for prayers for Mark Anthony Fernandez


101216-RobinPadilla_PUSH.jpgLabis ngayong ikinalungkot ni Robin Padilla ang insidenteng kinasasangkutan ng kanyang pamangkin na si Mark Anthony Fernandez matapos itong madampot ng mga pulis sa dahil sa diumano paggamit nito ng iligal na droga sa Angeles, Pampanga.

Kamakailan naglabas naman ng saloobin ai Binoe sa nangyari sa pamamagitan ng kanyang account sa social media. Ayun dito, nakahinga siya ng maluwag dahil walang masamang nangyari sa kanyang pamangkin sa kabila ng gusot kinasasangkutan nito.

READ: Robin Padilla thanks Pampanga police for the humane arrest of Mark Anthony Fernandez

Kuwento ni Robin na nagpunta siya mismo noong araw na madampot si Mark ng mga pulis sa Pampanga ngunit tanging ang kanyang manager lang ang humarap kay Mark dahil ayaw na niya mapag-usapan pa.

"Siguro masasabi kong isa ako agad na nandoon sa pangyayaring iyon sa kanya. Hindi lang ako maka front dahil naka abang kayo (media) doon at andaming media may naka live pa, Hindi man ako bumaba doon sa precinto bumaba naman si Betchay (Vidanes) at nakapag-usap naman kami ni Mark sa telepono."

Ayon kay Robin mananatili siya sa tabi ng kanyang pamangkin na si Mark bilang pangako sa ama nito na si Rudy Fernandez na gagabayan niya ito hanggang sa abot ng kanyang makakaya. Ayon kay Robin, "Iniintay ko nalang makarating siya doon sa kanyang final abode siguro doon nalang ako ulit pupunta. Kung sa city jail man siya dadalhin o saan man, doon kami makakapag-usap ng mga bagay-bagay."

Panawagan naman ni Robin ang panalangin mula sa mga sumusuporta at mga kaibigan ng kanyang pamangkin upang malinawan ang kanyang isip sa kanyang pinag dadaanan pagsubok.

"Sa ngayon kasi ang kailangan ni Mark kasi Panginoong Diyos hindi kami, hindi ako, lahat kami na nandito support lang, pero ang kailangan niya sa panahon ngayon ay yung relationship niya sa panginoon," pagtatapos ni Binoe.