• Home
  • Fresh Scoops
  • Maja Salvador on Gerald Anderson–Bea Alonzo romance: 'Okay na ako'

Maja Salvador on Gerald Anderson–Bea Alonzo romance: 'Okay na ako'

Maja says she doesn’t mind if the two stars are seeing each other.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/12/2016 2:03 PM
Maja Salvador on Gerald Anderson–Bea Alonzo romance:  'Okay na ako'


101216-MajaSalvador_PUSH.jpgMasaya si Maja Salvador para sa malapit niyang kaibigan na si Bea Alonzo. Ito ay dahil sa pagkaka mabutihan ni Bea sa ex-boyfriend ni Maja na si Gerald Anderson. 

Napapabalita ang madalas na pag labas diumano ni Gerald at Bea matapos ang kanilang pinag samahan proyekto na “How To Be Yours.”

Ayon kay Maja hanggad niya ang kaligayahan ng bawat isa lalo na ang malalapit at espesyal sa puso niya tulad ni Bea.

"Alam mo gusto ko maging masaya ang lahat at wala akong karapatan na pigilan ang happiness ng isang tao, if they're happy lalo na si Bea (Alonzo) sobrang espesyal niya sakin from the start ng career ko si Bea ka - trabaho ko siya sa It might be you, tapos sa teleserye nila ni JL ako nag umpisa kaya sobrang espesyal niya sa akin," paliwanag niya sa “Ang Probinsyano” first anniversary concert. 

Kuwento pa ni Maja okay lang daw sakanya kung sakaling matuloy ang magandang  pagtitinginan ng dating boyfriend at kaibigan. 

"Kung hindi pa ako naka-move on siguro na hurt ako, pero it's been what? Almost two years na! Okay na ako." 

Sa ngayon kuwento ni Maja na masaya siya sa taong nag papakilig sa kanya, pero hiling niya na ipaubaya na lang muna ito sa kanya sa ngayon.

"Marami naman espesyal ngayon Basta masaya naman ako, may mga ka text lang din naman tayo diyan, may mga nag papaligaya, ngayon nasa dating stage kami sakin niyo nalang ipaubaya sakin yon ." pagtatapos ng dalaga.