• Home
  • Fresh Scoops
  • Lolit Solis says Mark Anthony Fernandez is ‘emotionally defective’

Lolit Solis says Mark Anthony Fernandez is ‘emotionally defective’

Lolit Solis hopes that Mark Anthony Fernandez will go back into rehab.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/12/2016 10:17 AM
Lolit Solis says Mark Anthony Fernandez is ‘emotionally defective’


101216-LolitSolis_PUSH.jpgInilipat na sa Pampanga Provincial Jail ang actor na si Mark Anthony Fernandez na nakulong dahil nahulihan ito ng isang kilo ng marijuana sa kanyang kotse. Ikinatuwa ni Manay Lolit Solis, manager ni Rudy Fernandez noong nabubuhay pa ito, ang bagong development sa kaso ng actor.

Magkaganu’n man, worried pa rin siya sa sa kalagayan ni Mark dahil sa sakit nito.

“He’s sick,” sagot sa amin ni Manay Lolit nu’ng tanungin namin siya kung kumusta na si Mark na malapit sa puso niya at itinuring ding anak-anakan.

Patuloy pa ng talent manager, “Nung last na pina-rehab ‘yan, sinabi na ng doktor ‘yun, eh, ang EQ ni Mark, ‘yung emotional quotient niya ay for [a] 15 year old. Kaya kailangan niya talaga ng medical aide.”

Nang tanungin naman namin si Manay Lolit kung naniniwala ba siyang gamot nga kay Mark ang marijuana, ang sagot ng talent manager, “he’s really sick. Talagang emotionally, defective ‘yung bata.”

Umaasa rin ang talent manager na hindi naman sana lifetime imprisonment ang maging hatol kay Mark.

“Magagawan naman siguro ng paraan kasi nga, he’s really sick. Parang kailangan muna niya ng rehabilitation, ganyan. Gamutin muna siya, di ba?”

Ipinagdiinan din ni Manay Lolit na user lang at hindi pusher ang anak ni Rudy Fernandez at Alma Moreno.

Sa naging pahayag naman ni Mark na tinaniman siya ng marijuana ng mga pulis, may naging pahayag din si Manay Lolit.

“Kasi siyempre, ‘yung mga pulis gaganti sa ‘yo, it’s their words against you. Kasi pag sinabi mong tinaniman, eh di yung mga pulis ang lagot. Eh galit na galit si Duterte sa mga ninja cops.

“Talagang may sakit ang bata, kawawa naman,” pahayag pa niya.

Si Mark ay miyembro ng Gwapings na kinabibilangan din nina Eric Fructuoso at Jomari Yllana. Hanggang ngayon ay wala pang reaksyon ang dalawang nakasama ni Mark sa grupo na mina-manage noon ni Douglas Quijano.