John Wayne Sace denies getting involved with drug trades

The former teen actor said he was just forced to surrender in the Oplan Tokhang

BY JOAN LEARY

FRESH SCOOPS

10/12/2016 11:14 PM
John Wayne Sace denies getting involved with drug trades


101216-JohnWayneSace_PUSH.jpgLigtas na sa kapahamakan ang former teen actor na si John Wayne Sace matapos mabaril sa Pasig City noong isang gabi, October 10.

READ: John Wayne Sace now stable after being shot by unknown gunmen

Ayon sa tiyuhin ni John Wayne na si Alfredo Sumalinog, gumagamit di umano ng ipinagbabawal na droga ang kanyang pamangkin ngunit hindi ito lulong.

Wala rin daw siyang ideya kung bakit napuntirya si John Wayne ng mga hindi pa nakikilalang gunmen. Nasa watch list naman ng Pasig City Police si John Wayne at kaibigan niyang namatay sa pamamaril na si Erik Sabino. Lumutang na rin ang kanilang pangalan sa Oplan Tokhang noong Agosto 27.

Ngayong nasa stable na siyang kalagayan ay nilinaw ng aktor na hindi daw sila magkasama ni Erik at galing siya sa isang convenience store at papunta sa isang computer shop.

“Meron akong pinsan na ‘yun ‘yung kaibigan ni Erik na tumawag sa’kin para humingi ng slurpee na iniinom ko, wala pa akong 5 minutes na nakatayo doon ‘yun na. Kung ako po ‘yung target hindi po nila ako bubuhayin,” pahayag niya sa TV Patrol.

Iginiit din niyang nadamay lamang siya sa pamamaril at tila napilitan na lamang siyang sumuko sa Oplan Tokhang dahil di umano siya tinitigilan ng mga pulis.

“Ilang beses na akong binabalik-balikan sa bahay hanggang sa ginigising na nga nila ako kahit tulog pa ako. Isipin mo po ‘yun?” paliwanag niya.

Ayon naman sa ina ni Erik, sana raw ay nasabi niya agad ang kanyang narinig na pagbanta sa buhay ng dating aktor.

“2 weeks o 3 weeks ‘yan si John Wayne may dumaan ditong sinasbai na ‘Oh buhay ka pa pala’ binabantaan siya. Hindi ko napagsabihan ‘yung anak ko na wag didikit kay John Wayne,” ani Juliet Niones.