• Home
  • Fresh Scoops
  • Anne Curtis admits she wouldn’t know what to do if her boyfriend was really gay

Anne Curtis admits she wouldn’t know what to do if her boyfriend was really gay

Anne Curtis also reveals details about working with Dennis Trillo.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/12/2016 9:57 AM
Anne Curtis admits she wouldn’t know what to do if her boyfriend was really gay


101216-AnneCurtis_PUSH.jpgMagkaiba man ng TV station na pinagtatrabahuhan ay magkasama ngayon sa Viva Films movie na Bakit Lahat Ng Gwapo May Boyfriend sina Anne Curtis at Dennis Trillo. As we all know, si Anne ay isang Kapamilya actress samantalang Kapuso actor naman si Dennis.

Ayon kay Anne, matagal na niyang nire-request sa Viva na makasama sa isang project si Dennis.

 “Si Dennis, finally nagkatrabaho na kami. Lagi ko ngang sinasabi sa Viva when will I get to work with someone different and si Dennis was always on top of the list So nakakatuwa na finally nabigyan nakami ng tamang movie together,” pagtatapat ni Anne sa Push.com.

Eh, paano ba niya ide-describe ang pakikipagtrabaho kay Dennis?

“Sobra siyang quiet na tao, so tina-try ko talagang tsikahin siya nang bonggang-bongga. Sabi ko, napaka-mysterious naman ng taong ito. Pero ayun, eventually, nakita ko na makuwento din naman pala siya kaya masaya, masaya siyang ka-work,” sagot ni Anne.

Dahil ang tema ng movie nila na pinagbibidahan din ni Paolo Ballesteros ay tungkol sa mga beki, tinanong namin si Anne kung ano ang magiging reaksyon niya if ever na malaman niyang bading pala ang boyfriend niya.

“Dyusko day, hindi ko talaga alam,” sabay buntong-hininga niya.  “Nakakaloka siguro yon,” sabi ulit niya.

Pero aminado ang aktres na marami rin talaga siyang kaibigan na nagkaroon ng dyowang bading.

“May mga kakilala ako na nangyari sa kanila yon, may mga may anak na nga, eh. Masakit daw, pero ang nangyayari minsan, nagiging kumare mo na nga lang daw yung ex mo in the future.

“Pero if that happened to me, siguro, mahihirapan muna ako na tanggapin (sa simula). Pero kung mahal mo talaga, yon na nga, magiging sister mo na lang siya.”

Sa past relationships ba niya, wala ba naman siyang na-detect na gay sa naging boyfriend niya?

“Ay grabe… Parang wala naman. Unless meron kayong alam na hindi ko alam,” sabay tawa niya nang malakas. “Pero wala, wala, wala,” dugtong niya.


Eh, ano naman ang take niya sa sinasabi ng marami na halos lahat daw talaga ng gwapo ngayon ay merong mga boyfriends?

“Madami talagang ganyan ngayon.  Actually, hindi na nga uso ngayon yung mga nakabihis babae na mga bakla. Parang hindi mo na talaga malalaman na may boyfriend na pala sila.

“So, marami talagang gwapo na… kaya nga nauso yung ‘naku, sayang ang lahi mo or whatever.’ But it’s actually the norm now. Ang daming gwapo na may boyfriend tapos ang dami ng terms—fluid, ganern—kung anu-ano. It’s the norm, it’s really the norm at accepted na sila. Tapos ang gugwapo talaga nila, ang galing pang magbihis,” sambit pa niya.

Palabas na ang Bakit Lahat Ng Gwapo May Boyfriend sa October 19. The film is directed by Jun Lana.