• Home
  • Fresh Scoops
  • Angel Locsin admits she felt ‘OP’ with Sam Milby and Zanjoe Marudo in ‘The Third Party’

Angel Locsin admits she felt ‘OP’ with Sam Milby and Zanjoe Marudo in ‘The Third Party’

Angel Locsin says Sam Milby and Zanjoe Marudo have good chemistry in ‘The Third Party.’

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/12/2016 10:03 AM
Angel Locsin admits she felt ‘OP’ with Sam Milby and Zanjoe Marudo in ‘The Third Party’


101216-AngelLocsin_PUSH.jpgKahit maulan at traffic, pinagkaguluhan pa rin ang red carpet premiere ng pelikulang The Third Party na pinagbibidahan nina Angel Locsin, Sam Milby at Zanjoe Marudo. Graded A ng Cinema Evaluations Board ang bagong pelikulang ito ng Star Cinema na binigyang direksyon ni Jason Paul Laxamana.

Naibahagi ni Angel na madalas siyang na o-OP (out of place) kapag may mga eksena sina nina Sam at Zanjoe dahil sa effective na pagganap nila sa kanilang papel.

"Nakaka-OP ang chemistry nila dito sa movie namin. Dapat panoorin nila magagaling silang artista."

Para kay Sam, malaking hamon sa kanya ang proyektong ito kung saan bagong role ang mapapanood sa kanya ng fans. "It’s my first time to portray a gay role and it’s really a challenge for me."

Dahil single ngayon si Zanjoe, nagbiro ito kung sino ang kanyang ka-date. "Ang date ko si Sam at si Angel."

Regular showing na ng The Third Party ngayong October 12.