• Home
  • Fresh Scoops
  • 2016 Miss Earth Sweden ChloieSkarne reveals she met with dad Gabby Concepcion

2016 Miss Earth Sweden ChloieSkarne reveals she met with dad Gabby Concepcion

2016 Miss Earth Sweden Chloie Skarne says her half-sister KC Concepcion arranged the meeting with their dad.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/12/2016 12:24 PM
2016 Miss Earth Sweden ChloieSkarne reveals she met with dad Gabby Concepcion


101216-ChloieSkarne_PUSH.jpgNandito ngayon sa Pilipinas si Chloie Skarne bilang kinatawan ng Sweden sa 2016 Miss Earth Pageant na nagkaroon ng candidates presentation sa Diamond Hotel sa Manila. Isa sa pinagkaguluhan si Chloie dahil sa kanyang lahing Pilipina at dugong showbiz dahil mga magulang niya ang aktor na si Gabby Concepcion at ang former actress at model na si Jenny Syquia.

Sa interview ni Mario Dumaual na napanood sa TV Patrol inihayag ni Chloie ang kanyang naging experience na makaharap at makilala ang kanyang ama na si Gabby. Si KC Concepcion ang nag-ayos ng nasabing pagkikita na malaki ang naiambag sa kaligayahan ni Chloie.

"It’s the first time I saw him after so many years! It was very special actually we saw each other. It’s fantastic! Everything’s good."

Mag-iikot sa magagandang tanawin sa bansa ang 2026 Miss Earth candidates kasama si Chloie at marami ang umaasa na papasok bilang finalist si Chloie dahil isa siya sa mga angat ang kagandahan sa batch ng mga kandidata ngayong taon.

Magaganap ang 2016 Miss Earth Coronation Night sa MOA Arena sa October 29 at mapapanood sa ABS-CBN.