• Home
  • Fresh Scoops
  • Yassi Pressman admits ‘FPJ's Ang Probinsyano’ is her biggest break on primetime

Yassi Pressman admits ‘FPJ's Ang Probinsyano’ is her biggest break on primetime

Yassi Pressman doesn’t know yet if her character will be the one to make Cardo fall in love again.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/11/2016 9:28 AM
Yassi Pressman admits ‘FPJ's Ang Probinsyano’ is her biggest break on primetime


101116-YassiPressman_PUSH.jpgMasayang masaya at hindi expected ni Yassi Pressman na mapapabilang siya sa pamilya ng FPJ's Ang Probinsyano. Kuwento ni Yassi, dati ay pinapanuod lang niya ang kaibigan niyang si Bela Padilla na bahagi din ng programa.

"Hindi ko po expected, kasi si Bela Padilla po isa po sya sa mga close kong kaibigan so dati po sabay lang po kami nanunuod sa bahay niya. Sabi ko lang 'sobrang ganda ng show na to' so ngayon na nandito na ako I feel overwhelmed."

Aminado ang aktres na maituturing niyang biggest break niya ito on primetime television.

"Oo naman po definitely, talagang napakalaking opportunity na nakapasok po ako sa cast at isinasabuhay ko ang role ni Alyana Arevalo."

Dahil malapit sa puso ni Cardo ang kanyang character, marami din ang na-iintriga kung siya na ba ang bagong magpapatibok sa puso ni Cardo.

"Hindi ko po masasabing pumalit, hindi po. Pero isa po sanangpinaka bago pong sana mag papatibok ng puso ni Cardo tignan po natin."

Masaya naman si Yassi sa magandang review at chemistry ni Alyana at Cardo at naging positibo naman ang dalaga sa pagtanggap ng mga intriga at nag-link sa kanya kay Coco Martin.

"Meron ba? Kapag naniniwala po masyado sa napapanuod ibig sabihin po magandang magandang balita po iyon. Siguro po talagang nai-in love na sila sa character ni Alyana at ni Cardo and napaka buti po non," pagtatapos ng aktres.