Robin Padilla reacts on Agot Isidro’s controversial post

The actor says there are a lot of important issues in the country that need to be addressed.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/11/2016 2:44 PM
Robin Padilla reacts on Agot Isidro’s controversial post


101116-RobinPadilla_PUSH.jpgNagbigay reaksyon ang aktor na si Robin Padilla sa kontrobersyal na social media posts ng actress singer na si Agot Isidro kung saan tinawag nito na "psychopath" ang Pangulong Rodrigo Duterte. 

Mahinahon si Robin sa pagbibigay ng kanyang reaction tungkol sa mainit na issue na pinag pistahan sa social media.

"Lahat naman tayo ay may opinion dahil tayo ay nasa malayang bansa. Sabi nga ni Mayor mismo, si Mayor mismo nagsalita na that is our right and he will protect our right. Siya ang nagsabi noon na karapatan natin," sabi ng aktor. 

Dagdag pa ni Robin, maraming importanteng mga usapin at problema ang ating bansa na dapat natin pag tuunan ng pansin.

"Ngayon ang ano lang dyan ang dami daming problema ng bansa wag na tayo mag away away. Yung opinion nya opinion nya yun ang nangyari kasi lumalaki na eh" pagtatapos ni Robin