• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Joel Lamangan believes Nathalie Hart is a promising actress

EXCLUSIVE: Joel Lamangan believes Nathalie Hart is a promising actress

Director Joel Lamangan admits he has mellowed out compared to his ‘taray’ days.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/11/2016 9:20 AM
EXCLUSIVE: Joel Lamangan believes Nathalie Hart is a promising actress


101116-JoelLamangan_PUSH.jpgAyon kay Direk Joel Lamangan, malaki ang nakikita niyang potensyal kay Nathalie Hart na lead actress niya sa pelikulang Siphayo. Ayon sa director nang makausap namin bago magsimula ang premiere showing ng pelikula, maganda raw ang attitude ni Nathalie sa trabaho.

“She is a very promising actress. She is good, she has good attitude, she likes what she’s doing and she likes to learn,” pagde-describe niya sa dalaga.

Ayon pa sa director, nauunawaan niya raw kung bakit napaiyak si Nathalie sa pangalawang araw ng syuting nila ng pelikula.

“Kasi natakot siya. Kailangan lang ma-explain sa kanya na wala namang makikitang masyado, saka kailangan sa eksena kaya ginagawa. Pagkatapos naman non, naging okey na.”

Kung noong araw daw nangyari ang pag-iyak-iyak ni Nathalie habang nagsusyuting sila ni Direk Joel dahil ayaw niyang gawin ang eksena ay baka natikman niya ang pagtataray ng director.

“Alam mo naman, nag-mellow na ako, nabawasan na ang katarayan ko. Pero kung noon nangyari yon, naku matatarayan ko talaga siya.

“Kasi bago mo tanggapin ang pelikula, siyempre binasa mo ang script, di ba, at dapat ready ka sa mga gagawin mo. Eh, di dapat di mo na lang ginawa yung pelikula kung hindi mo pala kayang gawin yung eksena… Buti na lang, iba na ang attitude ko ngayon,” natatawa niyang pahayag.Ibinalita rin sa amin ni Direk Joel na dalawa ang pelikula niyang nakaplanong gawin ngayon sa Regal Films.

“Uunahin namin yung launching movie ni Angeline (Quinto) na Never Been Kissed, Never Been Touched. Tapos gagawin ko rin yung kina Miho Nashida at Tommy Esguerra na This Time I’ll Be Sweeter. Exciting kasi puro mga new blood of actors ang makakatrabaho ko.”

Dagdag pa ng director, possible rin daw na gumawa pa siya ng isang indie movie bago matapos ang taon.

“Baka gumawa pa ako ng isang Jacky Woo movie. Kasi yung Tomodachi namin, may sasalihang international film festival ngayong October ata. Pupunta sa Cairo, pupunta sa Kyoto, pupunta sa Berlin ngayong October,” masaya niyang kuwento.