• Home
  • Fresh Scoops
  • Albert Martinez enjoys playing a villain: ‘Mas masama, sa akin mas maganda’

Albert Martinez enjoys playing a villain: ‘Mas masama, sa akin mas maganda’

Albert Martinez says they might spend Christmas in the US for daughter Alyanna’s church wedding.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/11/2016 9:22 AM
Albert Martinez enjoys playing a villain: ‘Mas masama, sa akin mas maganda’


101116-AlbertMartinez_PUSH.jpgEnjoy na enjoy si Albert Martinez sa pagkokontrabida kay Coco Martin sa Ang Probinsyano na umabot na ng isang taon sa ere ngayong October. Pero kahit nag-e-enjoy, may nararamdan pa rin daw siyang struggle sa pagkokontrabida niya.

“Hindi siya madali kasi siyempre, lalabanan mo ang personal na takbo ng utak mo, kailangan, opposite ka. Kung white ka, kailangan, black ka all the time.

“Madali in a way naman because pag kontrabida ka, mas malaki ang freedom mo as far as execution or attack mo sa karakter. Marami kaming pwedeng gawin na limitado pag ikaw ‘yung bida.

“So, ako mas nag-e-enjoy ako mas madalas kung ang role ko, mas masama. Sa akin, mas maganda,” pahayag ni Albert.

Hanga naman si Albert sa pagiging propesyonal ni Coco sa Ang Probinsyano at thankful siya na naging bahagi ng serye.

“Iba yung dedikasyon ni Coco at yung professionalism niya. Nakakabilib!”

Dagdag pa niya, “It’s a fantastic feeling kasi to be part of this project na very successful. You’re working with the best people in the industry, working with people focused on their work.

“At the end of the day, you see people pa supporting what you are doing. It’s a win-win situation all the way, nag-e-enjoy kami. It’s an amazing feeling to be part of this team, one year na kami.”

Bilang part ng creative team, nakatutok din daw sa kanilang mga karakter si Coco.

“Coco Martin is a very serious person. He’s focused on what he is doing, he’s hands-on sa lahat ng bagay.

“Hindi lang siya concerned sa sarili niya, concerned siya sa buong production. Every single character, tinututukan,” sambit pa niya.

Samantala, maiiba ang pagdiriwang ng Pasko ngayon ng pamilya ni Albert. Kung dati ay sa bahay nina Tony Boy Cojuangco sila nagpa-Pasko, ngayon ay pupunta naman sila ng Amerika.

“Church wedding ni Alyanna in the U.S., we might be spending our Christmas in the States,” balita niya sa Push.com.ph