Actor Dick Israel passes away

Actress Vivian Velez announces on social media that good friend Dick Israel has passed away.

BY EJ SALUT

FRESH SCOOPS

10/11/2016 11:17 PM
Actor Dick Israel passes away


101116-DickIsrael_PUSH.jpgSa isang Facebook post, ipinaalam ng aktres na si Vivian Velez na pumanaw na ang beteranong aktor na si Dick Israel.

Noong Hulyo, matatandaan na nanawagan si Dick sa mga kasamahan sa entertainment industry nang matupok ang kanyang bahay sa isang sunog sa Caloocan.

Sa interview niya sa Rated K, sinabi ni Dick na masaya siya sa mga nakaalala sa kanya sa gitna ng trahedya sa kanyang buhay.

READ: Dick Israel surprised people still care for him.

Nakagawa ng halos 200 na pelikula at ilang TV roles si Dick bago siya na-stroke noong 2010.

Si Dick ay pumanaw sa edad na 68.