• Home
  • Fresh Scoops
  • Mark Anthony Fernandez’s camp wants actor transferred to Pampanga Provincial Jail

Mark Anthony Fernandez’s camp wants actor transferred to Pampanga Provincial Jail

Mark Anthony Fernandez is in a 20-person capacity cell with 99 other inmates.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

10/10/2016 9:00 PM
Mark Anthony Fernandez’s camp wants actor transferred to Pampanga Provincial Jail


101116-MarkFernandez_PUSH.jpgSa TV Patrol, patuloy ang hiling ng pamilya ng aktor na si Mark Anthony Fernandez na ilipat ito sa Pampanga Provincial Jail. Kasalukuyang nakapiit si Mark Anthony sa Angeles City District Jail. Ayon sa report, nasa selda otso siya na naglalaman ng 100 inmates gayong 20 inmates lang dapat ang capacity nito. 

Noong Sabado, tumaas ang blood pressure ni Mark Anthony kung kaya sumailalim ito sa checkup bago ilipat sa district jail. Kaya naman ngayon, patuloy minomonitor ang kanyang health condition. Ayon sa spokesperson ng BJMP na si S/Insp. Xavier Solda, “Saglit ko siyang sinilip, maayos naman ang kalagayan niya natutulog siya.”

Sinabi rin ni Solda na walang special treatment na matatanggap si Mark Anthony.

Buong araw diumano sinamahan ng aktres na si Alma Moreno ang kanyang anak nang ilipat ito sa Angeles City District Jail. Dumalaw rin sa kapatid sina Vandolph Quizon, Wynwyn Marquez, at pinsang si LJ Moreno. Hiling ni Vandolph, “basta po prayers lang sa kapatid ko at malampasan namin ito ng pamilya ko.”