Gary Valenciano talks about son Gab’s marital issues

Gary Valenciano says they want to keep the issue private.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/10/2016 9:24 AM
Gary Valenciano talks about son Gab’s marital issues


101016-GaryValenciano_PUSH.jpgKasamang nakisaya si Mr. Pure Energy Gary Valenciano sa pasasalamat concert ng FPJ's Ang Probinsyano para haranahin ng live ang cast at ang mga tagasubaybay ng programa.

Hindi na mababakas sa mukha ni Gary ang mga pinagdaang pagsubok kamakailan ng kanyang pamilya sa naging problema ng kanyang anak na si Gab sa asawa nitong si Tricia Centenera. Ayon kay Gary, "Gab is okay. Alam naman natin na may mga pagsubok ang kanyang hinaharap but I think every family goes through it and we're handling it as a family."

Nagdaan man sa pagsubok, nanatiling pribado ang pamilya Valenciano sa pag sasaayos ng gusot ng kanyang anak. Kuwento din ni Gary na nanatili ang magandang relasyon ng kanyang pamilya kay Tricia na tinuturing na niyang anak.

"Yes I'm very close to Tricia. Tricia will always be my daughter so mayroon lang talaga silang mga pinagdaanan, but I would really like to tell people not just like all of you watching that there are things you keep within the family because it's the only way it can be solve within the family and I keep it that way."

Pinagtanggol naman ni Gary ang anak na si Gab sa mga naglabasang balita tungkol sa di umanong pambabae nito na naging ugat ng problema sa mag-asawa.

"There’ll always be a third party [that] will come out because Gab is [a] naturally friendly kind of person so siyempre pag mainit-init ang mga pinag-uusapan kahit maging mabait siya ng kahit konti sa mga babae, laging may magli-link sa kanya doon and I don't think that's the case."

Aminado si Mr, Pure Energy na labis siyang naapektuhan sa pinagdaraanan ng pamilya at bilang isang ama nais pa din niya na maayos ang lagay ng kanyang mga anak hanggang sa siya ay nabubuhay.

"I am affected because they are my children. Flesh and blood ko si Gabriel and I loved Tricia very, very much siyempre dahil sa napakagrande yung kanilang kasal tapos biglang eto ang nangyayari. The thing is, nothing is impossible with God and kung ako buhay pa after 38 years of being a diabetic person siguro pwede pang mabuhay at maiwan ng masigla at nabubuhay pa din ang marriage nila," pagtatapos ni Gary.