• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ celebrates first year with an anniversary concert

‘FPJ’s Ang Probinsyano’ celebrates first year with an anniversary concert

‘FPJ’s Ang Probinsyano’ stars are grateful to be part of the hit show.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/10/2016 9:29 AM
‘FPJ’s Ang Probinsyano’ celebrates first year with an anniversary concert


101016-AnProbinsyano_PUSH.jpgStar studded noong October 8 ang Smart Araneta Coliseum sa pagdagsa ng mga bituin ng FPJ's Ang Probinsyano para sa Pasasalamat concert ng programa.

Hatid ng Ang Probinsyano ang free concert bilang thanksgiving celebration para sa mga taga-subaybay nito sa nagdaang isang taon. 

Kabilang ang ex Pinoy Big Brother housemate na si Elisse Joson na hindi makapaniwala na naging parte siya ng programa bilang si Lorraine.

"Ang maging part po ng proyektong ito na umabot na ng isang taon ay napaka-grateful po. Siyempre nagpapasalamat ako kay Lord kasi napasama ako dito kahit na bago palang po kami sa industriya."

Thankful and overwhelming experience naman ang nararamdaman ni Yassi Pressman na gumaganap bilang si Alyana Arevalo sa programa dahil napabilang siya sa espesyal na gabing iyon ng Ang Probinsyano.

"Sobrang overwhelming and masayang-masaya po na maging part ng FPJ's Ang Probinsyano punong-puno po tayo ng artista at talaga naman na napapasaya natin ang lahat ngayon gabi."

Bukod sa mga stars ng Ang Probinsyano, hindi din binigo ng Till I Met you cast ang mga fans sa pasasalamat concert. Sadyang enjoy sila James Reid, Nadine Lustre, and JC Santos sa espesyal na gabing iyon ng concert.

Ayon kay James, "I'm happy to see JaDine fans and I'm a lot surprised. Thank you guys for having us."

"Super saya kasi kumpleto po lahat at masaya kasi ang mga fans nandito nag ipon ipon po talaga sila and super happy to see everyone." dagdag pa ni Nadine.

Kuwento din ni JC, "I feel honored and grateful at the same time kasi andito ang JaDine family at the same time Ang Probinsyano people and sobrang saya at masarap sa pakiramdam."

Proud din si Mr. Pure Energy Gary Valenciano para sa success ng Ang Probinsyano. Ayon kay Gary ito pa lang ang kanyang nagawang theme song para sa isang teleserye na umabot ng isang taon.

"I think sa lahat ng mga theme song na nagawa ko I think this is the longest running kasi one year na e and wala tayong nakikitang katapusan kasi tuloy-tuloy and reflective sa buhay ng tao and relevant ang mga episode. Kaya asahan pa natin ang mga bagong anggulo at story na pwedeng maisali sa Ang Probinsyano saga."

Inalay naman ng byuda ni FPJ (Fernando Poe Jr.) na si Susan Roces na bahagi din ng programa bilang si Lola Flora ang gabing iyon para sa mga sumusubaybay at tumatangkilik gabi gabi ng kanilang programa.

"Nais kong pasalamatan ang lahat ng nandito at nanuod ng aming first anniversary concert ng ang FPJ’s Ang Probinsyano. Kayo po na nanunuod ng aming serye ang aming inspirasyon."

At higit sa lahat ang labis labis na pasasalamat ng Ang Probinsyano lead star Coco Martin sa lahat ng sumusuporta at tumatangkilik ng kanilang programa, Ayon kay Coco, "Napakasarap po sa pakiramdam at nakapagpasalamat kami personally, sa lahat sa pag suporta sa loob ng isang buong taon at sana mas mahaba pa ang pag samahan natin," pagtatapos ng actor.