• Home
  • Fresh Scoops
  • Yassi Pressman is happy about the positive reaction to her role in ‘Ang Probinsyano’

Yassi Pressman is happy about the positive reaction to her role in ‘Ang Probinsyano’

Yassi Pressman is thrilled to be part of top-rating series ‘Ang Probinsyano.’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/2/2016 12:13 AM
Yassi Pressman is happy about the positive reaction to her role in ‘Ang Probinsyano’


100116-Yassi_push.jpgIsang taon nang umeere ang FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin at masuwerteng nabigyan ng pagkakataon si Yassi Pressman na mapasama sa top-rated teleserye bilang isang reporter.

After Maja Salvador at Bela Padilla ay si Yassi naman ang tumatayong leading lady ngayon ni Coco. Solong-solo niya ang actor dahil nawala na sa show sina Bela at Maja.

Tinanong namin si Yassi kung hindi ba siya natatakot na ma-compare kina Maja at Bela at ayon sa dalaga, tanggap naman niya ang ganu’ng bagay.

“Feeling ko po, hindi talaga maiwasan ‘yung pagko-compare sa mga ibang nakatambal din ni Coco, pero so far, sobrang saya rin po ng pagtanggap nila sa Twitter po, sa Instagram, sa mga pag-post nila, kaya natutuwa rin po ako na tinatanggap din nila ako,” paliwanag ni Yassi.

Sa tagal na rin ng pagsasama nila sa taping ng Ang Probinsyano ay marami na rin daw siyang na-discover kay Coco.

“Sobrang bait. Siya po ang tipo ng aktor na hindi niya itinatago sa sarili niya kung ano ‘yung nalalaman niya. Gusto niya, lagi niyang sine-share sa lahat kung ano ‘yung nalalaman niya,” sey pa niya.

Eh, paano kung pati siya ay ma-link sa actor since pareho naman silang single ngayon?

“Hindi ko po alam,” natatawa niyang sagot.

“Basta ang alam ko lang po, si Coco po, napakabait, napaka-passionate, napaka-hardworking,” dagdag pa niya 

Sa palagay ba niya boyfriend material ang Kapamilya actor?

“Masasabi kong oo. I’m pretty sure naman, masasabi rin ‘yun ng lahat ng tao dahil maasikaso po talaga si Coco.”

Sa tanong naman kung kung hindi ba siya natatakot na madawit ang name niya sa balitang-balita ngayong hiwalayan nina Coco at Julia Montes, ang nasambit na lang niya, “sana naman, hindi.”

Dagdag pa niya, “hindi po. Kami ni Coco, nag-meet po kami, sa set lang ng Probinsyano at doon ko rin nakilala na sobrang mabuting tao rin talaga.”

Dahil paiba-iba ng leading lady si Coco, wish ni Yassi na magtagal siya sa soap.

“Sana, hindi ako mamatay ever, sa kung ano mang mangyayari sa akin, katulad po ng nangyari kay Eric (Paulo Avelino), ‘yung na-kidnap nga po (ako). Sana lagi akong ma-save ni Cardo para makapaglaban ako on my own.

“Kung sa aalis po, sana hindi. Pero tingnan po natin kung ano po ang mangyayari sa kwento. Tulad nga po ng sabi nila, itong buong three months sa Ang Probinsyano, pinaghahandaan ng creative, ng writers, para po sa Kapamilya natin siyempre,” sey pa ni Yassi.

Samantala, bilang pasasalamat ng Ang Probinsyano para sa isang taon nilang pamamayagpag ay may big concert ang Dreamscape at ABS-CBN para sa kanilang fans na gaganapin sa Araneta Coliseum on October 8.

Bukod sa buong cast ay magpi-perform din sa concert ang mga pinakasikat na Kapamilya stars and love teams tulad James Reid at Nadine Lustre (JaDine), Elmo Magalona at Janella Salvador (ElNella), McCoy de Leon and Elisse Joson (McLisse), Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Vina Morales, Ayen Laurel, Vice Ganda, Angel Locsin, Vhong Navarro, Hashtags at marami pang iba.