Ara Mina and Andrea del Rosario recall how German Moreno helped them to get into showbiz

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

01/09/2016 10:48 PM
Ara Mina and Andrea del Rosario recall how German Moreno helped them to get into showbiz
010916-ARAANDREA.jpgNagluluksa ang buong showbiz industry sa pagpanaw ni Master Showman German Moreno na binawian ng buhay dahil sa cardiac arrest.

Si Kuya Germs ay isa sa mga haligi ng industriya na hindi napagod tumulong sa mga baguhang artista para matupad ang pangarap nila na magkapangalan sa showbiz.

Marami sa mga sikat na artista sa showbiz ay nanggaling sa kanyang programang That’s Entertainment. And they are all very grateful sa naging kontribusyon ni Kuya Germs sa kanilang career.

“Napakalaki talaga ng utang na loob namin kay Kuya Germs. Ako, personally, hindi ako magiging Ara Mina kung hindi dahil sa That’s Entertainment,” pagre-recall ng aktres.

“Nag-audition ako sa That’s noon, ang dami-dami namin, isa-isa kaming pinakanta, pinasayaw, hanggang sa napili ako.

“Kapag napili ka bilang bagong That’s Entertainment member, iwe-welcome ka ni Kuya Germs at ng mga dating members sa Araneta Coliseum kapag anniversary ng show.

“Nu’ng time na yon kasi napakalaking bagay kapag napili ka sa That’s Entertainment. Kapag nakapasa ka sa audition, ibig sabihin may chance ka ng maging artista,” kuwento pa ni Ara.

Ayon pa sa aktres, napakalaking training ground ng That’s Entertainment para ma-develop ang kanyang talent.

“Meron kasi kami noong segment na ‘That’s Acting’ na on the spot, pinapaarte kami ni Kuya Germs. Tapos lagi niyang sinasabi sa amin na maging professional kami sa trabaho namin at kahit saan kami makarating, dapat matuto kaming lumingon sa aming pinanggalingan. Hinding-hindi ko malilimutan ang mga naituro niya sa akin,” malungkot na pahayag ni Ara.


010916-ARAANDREA.jpgSamantala, hindi man naging member ng That’s Entertainment si Andrea del Rosario, aminado ang aktres na may malaking kontribusyon din sa pagpasok niya sa showbiz ang Master Showman.

“I remember, teenager pa lang ako noon when I auditioned for That’s Entertainment sa Broadway Centrum. Dinala mo ako do’n ni Mamu (Leo).

“Eh, neneng-nene pa ako noon. Tapos pinakanta ako sa harap ng maraming tao. Hindi ko kinaya yung kaba kaya in the middle of the audition, tumakbo ako sa basement ng Broadway na takot na takot.

“Hindi na ako bumalik sa audition pero yung experience na yon is very memorable for me until now. Kumbaga, yung fear ko noon to face the audience during That’s Entertainment audition ang nag-motivate sa akin na subukan ulit mag-audition.

“Ang katwiran ko non, I need to conquer my fear kasi gusto ko naman talagang mag-artista. Then dumating yung audition sa Talent Center hanggang maging part na ako ng Star Circle,” pagre-recall din ni Andrea.

Ilan pa sa mga naging produkto ng That’s Entertainment noon ay sina Piolo Pascual, Caselyn Francisco, Simon Soler, Ryan Soler, Jessa Zaragosa, Donita Rose, Lea Salonga, Gary Estrada, Boom Labruska, Billy Crawford at napakarami pang iba.