• Home
  • Fresh Scoops
  • Concert producer Joed Serrano reveals he suffered a mild stroke

Concert producer Joed Serrano reveals he suffered a mild stroke

Concert producer Joed Serrano details how he had a mild stroke while driving.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

1/31/2016 7:48 AM
Concert producer Joed Serrano reveals he suffered a mild stroke


013116-JOED2.jpgKahit may mga panahong lugi sa pagpo-produce ng concert ang former That’s Entertainment member na si Joed Serrano ay hindi pa rin siya nawawalan nang ganang mag-produce. In fact, sa February 13, 8 p.m. ay hindi usual na Valentine concert na dedicated for lovers o sa mag-asawa ang mapapanood ng tao sa Araneta Coliseum.

“Gusto kong maiba naman. Gusto ko na laugh trip lang yung concert na ipo-produce ko kaya namin binuo ni Mamu Andrew (de Real) ang Panahon Ng May Tama,” kuwento ni Joed.

Pinagsama-sama ni Joed sa Panahon Ng May Tama ang mga komikera ng comedy bars na sina Gladys Guevarra, Bobsie Wonderland at Ate Gay. Idinagdag pa niya ang DJ na si Papa Jack para mas lalong maging riot ang Valentine show.

“Nararamdman ko kasi na mas gusto ng mga tao na tumawa, maaliw at makalimutan yung mga problema nila. Sa show naman, talagang mai-entertain ang audience,” pagmamalaki pa ng concert producer.

Malungkot namang ibinalita sa Push.com.ph ni Joed na nagkaroon siya ng mild stroke bago matapos ang 2015.

“Nu’ng December 29 (2015), I was driving on my way to Clark, umurong yung dila ko, buti na lang malapit na ako sa Medical City ng Clark.

“Pero pinark ko muna yung sasaskyan ko. Nagduda ako... alam ko na, ‘di kaya stroke ito or atake?’ Tapos shinut down ko lahat yung... alam mo yon, yung huwag mag-isip. Tapos pinipilit ko tong (dila) hilahin kasi hindi ako makalunok,” muwestra pa niya sa amin.

“Tatlong beses kong tinry na lunukin yung laway ko, pero hindi. Tapos sabi ng staff ko, ang salita ko pala ngongo na. So, naitakbo ako sa ER and yon nga, na-diagnose ako na yon nga, mild stroke.

“I was lucky enough na hindi daw nawala yung presence of mind ko. After non, nag-CT scan, lahat ng tests kinuha ko. Pero ang pinakanaloka ako ay yung MRI na parang nasa kabaong ako, hindi ko kinaya,” kuwento pa niya.

Idinagdag din ni Joed na after ng series of tests ay natuklasan din ng kanyang doctor na meron siyang diabetes.

“Pitong gamot ang kailangan kong i-take araw-araw para sa cholesterol, uric, diabetes... ang dami. Pero ang nakakaloka, sumakit naman yung tiyak ko the following week and ang findings, meron naman akong problema sa gall bladder na kailangang operahan.

“Sabi ko, ‘Doc, hindi ako puwedeng operahan kasi diabetic ako.’ So, titingnan daw kung puwedeng i-laser na lang. Nakakaloka di b a, sabay-sabay,” nailing niyang pahayag.

Samantala, inusisa na rin naimin kay Joed kung totoong nalugi siya sa Gangnam concert ni PSY sa MOA Arena. Sabi niya, “Lugi ako do’n ng US$1 million or P45 million. Ganu’n talaga, eh. Pero kahit papaano, nabawi ko na rin naman yon.”

Matatandaang si Joed ang naging producer ng dalawang magkasuod na concert noon ni Vice Ganda sa Araneta Coliseum na parehong jampacked.