• Home
  • Fresh Scoops
  • Roselle Nava says her doctors advised her not to get pregnant again.

EXCLUSIVE: Roselle Nava reveals she had a miscarriage

Roselle Nava says her doctors advised her not to get pregnant again.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

01/29/2016 09:19 AM
EXCLUSIVE: Roselle Nava reveals she had a miscarriage
012916-roselle_main.jpgNa-miss na ng Sentimental Diva na si Roselle Nava ang concert scene kaya pumayag siyang maging bahagi ng Valentine concert na Love Throwback na gaganapin sa PICC on February 13.

“Kasi I had delicate pregnancies all throughout, parang yon yung pagkatapos kong ma-elect and then siyempre first term ko. After noon, I got pregnant and I lost a baby.

During my six months pregnancy ko, I lost a baby, nawalan siya ng heart beat. On our seventh month check-up, wala na raw marinig yung doctor na heart beat. So talagang very traumatic experience yon sa akin,” pahayag niya sa Push.com.ph.

2012 nang muling magbuntis si Roselle na nasundan ulit noong 2014.

“So parang magkakasunod naman yung nangyari. Kaya meron na akong isang three year-old at one year old.

“’Yung mga pregnancy ko sobrang hirap. Talagang kailangan akong i-monitor kasi nagbabara yung mga vein ko leading to the baby, so they’re not getting enough nutrients and they stop growing.

Eh, siyempre, when they stop growing kahit six months pa lang kailangan mo ng operahan para mailabas yung baby. Nung nagpa-check-up ako, sabi ng doctor ko kailangan na raw akong magpa-admit kasi dapat na akong i-observe.

“Few hours lang after kong ma-confine nanganak na ako kasi kailangan ng i-deliver yung baby. Yes, CS ako, eh,” kuwento pa ng signer.

Dagdag pa ni Roselle, “Nung buntis ako, malaki ako, mga 160 lbs ako non. So now, I’m still trying to get back to my old shape. Siguro mga konti na lang.”

Malungkot ding ibinalita ni Roselle na hindi na siya puwedeng magkaanak ulit.

Hindi na puwede. For medical reason din, yung uterus lining ko is very thin na kasi lahat ng three pregnancies ko were all CS section, eh. So, my doctor said it would be too risky for me to... we wanted sana to have a girl, pero yon nga, dalawa lang ang kaya namin and we’re happy naman with that,” she said.

Makakasama ni Roselle sa Love Throwback ang iba pang OPM hitmakers na sina Rico J. Puno, Wency Cornejo, Chad Borja, Gino Padilla, Raymond Lauchengco, Nina at Marco Sison.

“Na-miss ko rin talagang mag-perform with some people lalo na sa ganitong mainstream concert. Ang last show na ginawa ko was 2009 pa before I got married. Tagal na, five years na halos.

“I want to go back again, hopefully after election, to do maybe another album or concert kasi nakaka-miss din talaga,” wish pa niya.

Pinag-iisipan din daw niya kung babalik din sa pag-arte katulad ng mga dati niyang mga kasaahan sa AngTV.

Oo nga, eh, ang dami na ring bumabalik like sina Jan Marini, Jolina (Magdangal), Claudine (Barretto)... they’re back, so hopefully bigyan din ako ng same opportunity. Kung sila nabigyan ng second chance, malay mo ako rin, ‘di ba? I would really like that,” pahayag pa ni Roselle na tumatakbo ring konsehal sa Paranaque para sa ikatlong termino.

Main Photo Credits to Roselle Nava-Tan IG