• Home
  • Fresh Scoops
  • John Arcilla says John Lloyd Cruz is his ‘anak-anakan’ having worked with him when the latter was just starting out.

EXCLUSIVE: John Arcilla reacts to John Lloyd Cruz being competition for Best Actor

John Arcilla says John Lloyd Cruz is his ‘anak-anakan’ having worked with him when the latter was just starting out.

EXCLUSIVE: John Arcilla reacts to John Lloyd Cruz being competition for Best Actor-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

01/28/2016 07:50 AM
EXCLUSIVE: John Arcilla reacts to John Lloyd Cruz being competition for Best Actor
012816-john_main.jpgJohn Arcilla’s reaction na si John Lloyd ang matindi niyang makakalaban sa best actor ngayong awards season.
 
Pagkatapos ng morning series ng ABS-CBN na Oh My G! may bagong TV series na agad si John Arcilla.

Sa press launch ng That’s My Amboy ng GMA-7 namin siya nakausap at kaagad naming inalam ang reaksyon niya sa balitang si John Lloyd Cruz ang matindi niyang makakalaban sa awards season this year.

Si John ang bida sa critically-acclaimed film na Heneral Luna at si John Lloyd naman ay bida sa controversial film na Honor Thy Father.

“Ang hirap kasing magsalita tungkol diyan. Alam mo kung bakit mahirap, anak ko kasi yan (John Lloyd), eh. Anak-anakan ko yan nung nagsisimula pa lang siya sa ABS-CBN, sa Star Studio Presents.

“Tapos may mga teleserye, nu’ng malaking artista na siya sa ABS-CBN, sa Star Cinema, naging anak ko rin yan, so, kumbaga, I think, pareho naming iginagalang ang isa’t isa, so parang mahirap sabihin kung gusto ko ba siyang kalaban. For me, it’s a very healthy competition,” pahayag ni John sa Push.com.ph.

Ayon pa sa aktor, alam niya kung gaano kahusay si John Lloyd bilang actor pero depende pa rin daw yon sa award-giving bodies kung sino ang kanilang pipiliin.

“Well, nakakatuwa kasi kung tutuusin, heartthrob siya at ako naman ay kuya-kuya niya. Hindi mo naman talaga puwedeng i-deny na he is one of the best actors in the Philippines now. So yon nga, kumporme rin kasi sa award-giving bodies yan, eh, kung ano yung kanilang criteria.

“Bawat award-giving bodies kasi bukod sa kanilang criteria nga, kanya-kanya rin sila ng standards and choices. Hindi yon nai-impose, eh, kasi kumbaga, yon ang gusto nila. Kaya ako, ang hirap kong i-gauge kung papaano.

“Kung ano na lang siguro yung lumabas. I don’t really deny the fact na he is a very good actor and I believe that,” pahayag ni John.


Dagdag pa ni John, napanood ni John ang Honor Thy Father ni John Lloyd at ang Walang Forever ni Jericho Rosales na isa rin sa posibleng makalaban niya sa best actor category.

“Pareho silang magaling sa magkaibang paraan. Kaya lang, minsan kasi pag ang award-giving bodies na ang nag-decide, kumporme yan sa angulong tinitingnan nila, eh.

“Halimbawa, simpleng acting lang ba ang gusto nila, yon bang gusto nu’ng isa, eh, ganito. Kumporme sa timpla ng grupo ng award-giving body, eh. Sometimes, hindi mo na maiisip kung sino ba talagang mas magaling kung hindi yung critera nung award-giving body kasi pareho naman silang magaling para sa akin.

“I think yon lang yung nagkakaroon ng distinction – each award-giving body – kung ano yung choice o gusto nila. Iba-iba kasi, merong group of businessman, Urian is group of academe, may Enpress, PMPC na mga writers ang members. So, definitely, iba-iba rin sila ng tastes when it comes to choosing the best actor,” paliwanag pa ni John.

Nangangarap pa ba siyang magka-award at nararamdaman pa ba niya yung hunger dito?

“Well, nanalo na ako ng Urian... hindi naman siguro hunger, yon lang being recognize for the effort and for the thing that you’ve done.

“It’s a good affirmation na you’re still an effective actor, yung parang ganun. Parang it’s just a recognition and affirmation na you’re  still doing your job. Hindi siya hunger, eh.

“Habang aktor ka kasi gusto mo ring ma-affirm na yung ginagawa mo ay effective pa rin, nakaka-relate ka pa rin sa audience mo. Kasi ang sarap maramdaman for an actor na lahat ng klase ng audience, nase-serve mo at lahat ng klase ng tao na mag-i-evaluate ay naaapektuhan pa rin sa trabaho mo,” paliwanag pa niya.

Wala din daw siyang matinding expectations kahit pa sinasabing malaki ang chance niyang manalo ngayong taon bilang pinakamahusay na aktor.

“I’m a very realistic person. Maiintindihan ko kung ano yung magiging decision ng bawat award-giving bodies. Mas objective yung nakikita ko sa ganu’ng bagay, eh. Malinaw sa akin yon.

“Kung anuman ang magiging desisyon nila, very realistic yung pagtangggap ko sa ganu’n. Hindi yon problema sa akin,” nakangiting pagtatapos ni John sa Push.com.ph.