• Home
  • Fresh Scoops
  • FEU Tamaraw volleyball team captain Rachel Anne Daquis wants to work with Derek Ramsay and Zanjoe Marudo if she enters showbiz.

EXCLUSIVE: Rachel Anne Daquis says she often gets mistaken for Pastillas Girl

FEU Tamaraw volleyball team captain Rachel Anne Daquis wants to work with Derek Ramsay and Zanjoe Marudo if she enters showbiz.

EXCLUSIVE: Rachel Anne Daquis says she often gets mistaken for Pastillas Girl-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

01/26/2016 08:59 AM
EXCLUSIVE: Rachel Anne Daquis says she often gets mistaken for Pastillas Girl
012616-daquiis_main.jpgMadalas na mapagkamalang si Pastillas Girl o Angelica Yap ang volleyball star at team captain ng FEU Tamaraw team na si Rachel Anne Daquis.

Ito ang inamin niya sa Push.com.ph nang makausap namin siya sa presscon ng Vida Nutriscience, Inc. kung saan siya ang newest ambassador for Snowcaps and MySlim.

“Oo nga, kamukha ko ba talaga yon?” balik-tanong niya sa amin. “Pero okey lang naman po. May mga nagsabi na rin po sa akin niyan. Lagi akong napagkakamalan (na si Pastillas Girl)

“Pag hindi po nila ako kilala, yon yung naiisip nila sa akin, lalo na sa malls, na ako si Pastillas Girl. Siguro kasi dahil nga kamukha ko daw at hindi nila kilala na athlete ako,” natatawa niyang kuwento.

Dati na rin palang sumali ang 5’10” volleyball star sa beauty pageant nu’ng high school siya.

“High school pa po yon at nananalo naman ako, nagta-title po ako. Pero pagdating ko ng college, nag-focus na po ako sa sports.”

Inalok din daw siyang sumali sa Binibining Pilipinas.

“Ino-offer-an din po ako na sumali sa Binibining Pilipinas, kaso naman po, ang iniisip ko, nu’ng nag-start akong mag-volleyball, parang naging sobrang athletic na ako. Ang laki na ng katawan ko, ng muscles ko, kaya parang nahihiya na po ako,” sey pa niya.

Eh, what if may mag-convince din siyang pasukin ang showbiz? Sino ba ang gusto niyang i-pair sa kanya?

“Siguro sina Derek (Ramsay), si Zanjoe (Marudo). Siyempre, gusto ko rin yung mga athletic,” pag-amin niya.

“Na-offer-an na rin po ako dati ng ibang channels, pero mas pinursue ko po ang volleyball. Siguro ngayon, puwede na, bakit hindi? Pero depende pa din po.

“Gusto ko yung parang natural comedian lang ako, walang effort. Parang mas more on ganu’ng peg lang ako, parang mga Alex Gonzaga. Yung mga ganu’n lang, yung hindi ka mahihirapan.”

Sa tingin ba niya, malaking sagabal ang height niya kung bakit hindi siya ligawin ng mga lalaki?

“Hindi po ako lapitin (ng manliligaw). Siguro, nai-intimidate din sila sa height ko. Hindi din po ako lapitin ng mga basketball players. Parang natatakot sila dahil alam nilang hindi ko sila papansinin.
 
“Pero mas okey po sa akin yon, na nai-intimidate sila. Kasi ngayon, sa panahon ngayon bihira na lang yung ganu’n, di ba? Saka gusto ko po Fil-foreign,” hirit pa niya.

Posible bang ma-in love siya sa short guy?

“Parang hindi po. Saka gusto ko po yung hindi kilala, yung hindi celebrity kasi baka ma-bash ako,” natatawa niyang pahayag sa Push.

Samantala, ayon kay Rachel, malaking tulong sa kanya ang mySlim at Snowcaps para ma-maintin ang kanyang weight at maging physically fit sa paglalaro ng volleyball.

“I consider mySlim and Snowcaps as great-tasting part of my daily diet. I’m grateful that I’ve found these supplements,” sey pa niya.