• Home
  • Fresh Scoops
  • The Star For All Seasons admits she has witnessed Luis come home drunk because of problems.

Vilma Santos on being a mother to her sons Luis Manzano and Ryan Recto: ‘Liberal akong nanay’

The Star For All Seasons admits she has witnessed Luis come home drunk because of problems.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

01/25/2016 10:53 PM
Vilma Santos on being a mother to her sons Luis Manzano and Ryan Recto: ‘Liberal akong nanay’
012516-vilma_PUSH.jpgEnjoy na enjoy si Vilma Santos na katrabaho si Direk Joyce Bernal sa pelikulang Everything About Her ng Star Cinema na showing na sa Jan. 27. Kasama ni Gov. sa pelikula sina Angel Locsin at Xian Lim.

“Alam mo ’yung walang katensyon-tensyon? Ang tensyon lang is part of the shooting. ’Yun lang ang tensyon mo dahil hindi kami magkikita ni Xian bago ang eksena.

“Pero ’yung talagang sa set,  wala. Jologs si Direk, eh. Anything goes ’yan. Wala kang mararamdamang tensyon sa kanya. Ang tensyon sa kanya is trabaho. Pero right after the take, cool lang, kwentuhan, anything ‘yan, barik (inuman), Barik kami,” say ni Gov. Vi.

Ayon pa kay Ate Vi, gusto niyang maging kaibigan si Direk Joyce.

“After this movie, gusto ko si Direk Joyce Bernal na maging kaibigan ko. Gusto kong maging magkaibigan kami. Marami kaming pwedeng gawin na mag-i-enjoy kami,” sambit pa ni Batangas governor.

Samantala, dahil nanay ni Xian ang role niya sa Everything About Her, inamin ng aktres na dumaan din daw siya sa stage na napansin niya ang mga pagbabago sa buhay ni Luis.

“Pagdating ng 13 (years old), umiiba sila. Pagdating ng 17 (years old), umiiba sila,” banggit pa niya.

May mga panahon din daw na dumaaan sa pagloloko si Luis at umuuwi ng lasing.

“So, kino-confront ko ‘yung anak ko, ‘ano ang nangyayari sa ‘yo? Bakit ganyan? Halos na sa iyo (na lahat)… nag-aaral ka sa magandang school.’

“Ang nakakagulat lang, I think, si Lucky noon was 18 or 19? Alam mo ‘yung sasagutin ka ng anak mo na ‘because I don’t know what I want in life.’  ‘Yung mga ganu’n. Hindi niya alam kung ano ang gusto niya sa buhay niya.

“So, yon yung sinasabi ko na with Lucky, with Ryan now, may mga stages talaga na nanay ako. Ako kasi, liberal akong nanay, eh. I can be a friend, I can be a barkada lang. Pero may mga oras na naging nanay ako sa kanila. Kino-confiscate ko ‘yung kanilang cellphone…” kuwento pa ng Star for all Seasons.

Nang tunungin si Ate Vi kung hindi ba nag-drugs si Luis, ang sagot niya, “Hindi ko alam, eh. Pero dumaan din siya sa uminom, nagkaroon ng masamang barkada, but I am very proud. Look at Lucky now, ‘di ba?

“And the good thing is, he was able to survive. Naka-guide lang kami sa kanya and he was able to survive by himself with the guidance of the parents.    “So, I’m very proud of my son,” pagmamalaki pa niya.