• Home
  • Fresh Scoops
  • Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach faced the media in her Homecoming Press Conference this afternoon at the Novotel in Quezon City.

Pia Wurtzbach shares her most unforgettable Miss Universe moments

Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach faced the media in her Homecoming Press Conference this afternoon at the Novotel in Quezon City.

Pia Wurtzbach shares her most unforgettable Miss Universe moments-Jeff  Fernando
BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

01/24/2016 08:53 PM
Pia Wurtzbach shares her most unforgettable Miss Universe moments
012416-PiaWurtzbach_Push.jpgSuot ang kanyang korona, muling ipinakita ni 2015 Miss Universe Pia Alonzo Wurtzbach ang kanyang trademark walk papasok sa venue ng kanyang grand homecoming press conference sa Novotel in Quezon City.  

Sinabi kaagad ni Pia na hindi siya naghanda ng speech dahil gusto niya na manggaling lahat sa kanyang puso ang kanyang mga sasabihin. 

Unang mensahe ni Pia ang kanyang pasasalamat sa ating mga kababayan na sumuporta at nagmamahal sa kanya na malaking inspirasyon kung bakit niya nakuha ang korona. 

"I’m so happy that I’m back here today because I actually won (laughs). I’m so proud that I was finally able to bring back home the crown. I’ve always believed that it should happen and it was a long journey to be here and I hope my story can become an inspiration of determination, discipline, faith and hard work," panimula ng beauty queen. 

Kasama rin sa press conference ang Miss Universe Organization President na si Paula Shugart na puring puri ang mga Pinoy at si Pia. 

"The greatest Miss Universe fans in the world are here in the Philippines. I’m saying that from the bottom of my heart and I’m glad that in my 15 years as president that I was able to see the Philippines take the crown and she’s such a lovely young woman." 

Naibahagi ni Pia na dalawa ang bagay na hindi niya makakalimutan sa kanyang Miss Universe journey. Una daw dito ang first time niyang isuot ang sash bilang "Miss Philippines" sa registration ng 2015 Miss Universe pageant kung saan siya ang pinaka maaga dumating at unang nag-register. 

Pangalawa naman ang kanyang pagsuot sa iconic blue gown na likha ni Albert Andrada na isang Filipino Designer. 

"I’m so happy that we were able to wear a Filipino designer in Miss Universe. It’s something that I was looking forward to for a very long time and I’m happy that it happened ng hindi pinipilit, na pinagdasal ko lang na sana mangyari and it happened," share ni Pia.  

Excited si Pia sa magaganap na homecoming parade at tribute show para sa kanya. Hindi daw matatapos ang kanyang pasasalamat sa pagmamahal na ibinibigay ng ating mga kababayan sa kanya. 

"To be back here now with the crown is my happy ever after. This is what I’m dreaming for in a lifetime. It’s not just my dream but it’s a dream of every Filipino," sabi pa ni Pia.