• Home
  • Fresh Scoops
  • The beauty queen can’t wait to share her experiences with her fellow Filipinos

Miss Universe Pia Wurtzbach is finally home

The beauty queen can’t wait to share her experiences with her fellow Filipinos

Miss Universe Pia Wurtzbach is finally home-Jeff  Fernando
BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

01/23/2016 11:07 PM
Miss Universe Pia Wurtzbach is finally home
012316-PIA_main2.jpgPast 5am na ng lumabas sa arrival area ng NAIA si 2015 Miss Universe Pia Alonzo Wurtzbach. Kasama ang Binibining Pilipinas Head Stella Marquez-Araneta, all smiles si Pia sa ating mga kababayan na walang tigil ang pagtawag sa kanyang pangalan para magpa-picture. Isang platform ang naka-set up sa loob ng airport kung saan nagbigay ng maiksing mensahe si Pia.

"Masaya po ako na nakabalik na ako muli dito sa atin, kagabi di ako makatulog sa sobra excitement dahil finally makakabalik na ako dito sa Pilipinas. Hindi ko muna ikukuwento ang detalye ng aking experience at sasabihin ko na lang po ito bukas sa ating press conference at sana po ay masamahan nyo ako doon," sambit niya. 

Bukas ng 4pm magaganap ang media conference para kay Pia sa Novotel sa Cubao, Quezon City at sa Lunes ay magkakaroon naman siya ng homecoming parade. Naging mahigpit ang security sa kabuuan ng arrival ni Pia.

012316-PIA1.jpg

012316-PIA2.jpg

012316-PIA3.jpg

012316-PIA4.jpg