• Home
  • Fresh Scoops
  • Bret Jackson says he was first apprehensive about working as part of a love triangle with Jadine.

EXCLUSIVE: Bret Jackson admits he was scared about being in a love triangle with Jadine

Bret Jackson says he was first apprehensive about working as part of a love triangle with Jadine.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

01/23/2016 11:07 PM
EXCLUSIVE: Bret Jackson admits he was scared about being in a love triangle with Jadine
012316-BRET.jpgTinanggap ni Bret Jackson ang challenge na maging ka-love triangle sa pelikula ng sikat na tambalan nina James Reid at Nadine Lustre na napapanood ngayon sa ABS-CBN series na On The Wings of Love.

Paano ba niya pinaghahandaan ang role bilang ka-love triangle ng Jadine? Hindi ba siya natatakot na gawina ng pelikula?

“Actually, I was scared at first. Siyempre natakot ako kasi anyone that gets near Jadine, siyempre ayaw nila,” pagtatapat niya sa Push.com.ph

“Pero dahil best friend kami ni James parang natanggap nila na puwede ako. So yung mga first pictures I posted na kami ni Nadine (together), okay lang. ‘Bretdine! Bretdine!’ Okey naman sila. And plus trabaho lang yon, eh,” patuloy niyang kuwento.

Hindi muna binanggit ni Bret kung ano ang tema ng pelikula.

“I want to tell you pero hindi puwede, eh, baka magalit sa akin. But it’s a love story. Actually, yung role ko don sa Jadine movie is very suprising kasi may twist kaya I’m very excited,” he said.

Anyway, so far ay wala naman daw siyang natatanggap na pamba-bash at violent reactions mula sa supporters ng sikat na love team.

 “Wala naman po. I’m actually very excited kasi yung mga roles ko this year, they are all different. At saka mas gusto ko na wala ring love team.

“Even back then when people say na ‘oh, you’re just using people, like yung kay Andi (Eigenmann), pero hindi talaga. Until now Andi and I are really good friends.

“And even if you ask her she would say the same thing, na we’re both grown up about our breakup... you know what I mean. And we’re okAy with each other. I have nothing but respect for Andi and her family,” pahayag pa ng binata.

Masaya naman ba siya sa takbo ng kanyang career ngayon?

 “Super happy!” sagot agad niya na nakangiti. 

“I have a movie in Cinemalaya, yung Mercury Is Mine with Tita Pokwang then I will be shooting another movie in Iloilo, tapos meron akong TV series na Bakit Manipis Ang Ulap?, so I’m really blessed. I’m very happy,” nakangiti niyang pagtatapos.

Main photo credit to bret.jackson IG