• Home
  • Fresh Scoops
  • Vilma Santos on her similarities to role in ‘Everything About Her’: ‘Hindi lang kasing impaktita ni Vivian pero tao rin ako’

Vilma Santos admits she has some similarities with her role in ‘Everything About Her’

Vilma Santos on her similarities to role in ‘Everything About Her’: ‘Hindi lang kasing impaktita ni Vivian pero tao rin ako’

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

01/20/2016 09:15 AM
Vilma Santos admits she has some similarities with her role in ‘Everything About Her’
012016-vilma_main.jpgSa ating solo interview sa Star for All Seasons at Batangas Governor na si Vilma Santos para sa kanyang latest na pelikulang Everything About Her, nai-share ni Ate Vi ang kakaiba niyang papel bilang si Vivian na "impakta" at "perfectionist". Aminado si Ate Vi na may bahagi rin niya na gaya siya ni Vivian at natatawa siya habang sinasagot ang ating tanong.

"When I’m mad, you will not like me (laughs). Hindi lang kasing impaktita ni Vivian pero tao rin ako. Medyo mahaba ang pisi, gracious din at malapit sa tao pero minsan kapag masyado na rin natutulak lumalaban na rin ako."

All praises si Gov Vi sa mga kasamahan sa pelikula na sina Angel Locsin at Xian Lim partikular na kay Xian na second choice para sa role bilang anak niya na dapat ay gagampanan ni Luis Manzano. Positive na comments ang ibinigay ng Star for All Seasons kay Xian.

"Na-challenge ako dito kasi I’m seeing Xian Lim. Nakikita ko si Xian Lim na hindi pa-romantiko ,yung pagiging seryoso niya bilang anak ko na naramdaman ko at nagtutulungan kami dalawa importante sa akin yun at naramdaman ko yun kay Xian as an actor."

Hindi na mabilang ang challenging roles ni Ate Vi pero masasabi nya daw na nasubukan ang kanyang acting sa Everything About Her.

"May matututunan na naman ako dito and at the same time meron na naman ako bago i-o-offer coming from me na matagal na sa show business," pagtatapos ni Gov Vi.