• Home
  • Fresh Scoops
  • Fan will give Pia doll to Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach during homecoming

Fan will give Pia doll to Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach during homecoming

Fan will give Pia doll to Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach during homecoming

Fan will give Pia doll to Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach during homecoming-Cristina Malonzo-Balane
BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

01/21/2016 06:45 AM
Fan will give Pia doll to Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach during homecoming
012116-pia_main.jpgSa ulat ni Mario Dumaual para sa TV Patrol, plantsado na ang mga detalye para sa homecoming ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Handa ang maliwanag na billboard para kay Pia sa Araneta Center sa Cubao at kasado na rin ang security sa hotel na tutuluyan ni Pia. Dito na mag-aabang ang Pianatics fans club at suot nila ang kanilang commemorative Miss Universe royal blue t-shirts.

Kasabay nito, dito na rin ireregalo ng fan na si Ian Mendejar ang ginawa niyang Pia doll. Suot ng manika ang royal blue Albert Andrada gown at kumpleto ito ng korona at iba pang accessories. Ani Ian, “Excited po akong ibigay yung Miss Universe doll kay Pia. Ang saya ko po na yung manika na yun naging part ng history, parang nanalo na rin po ako.”

Apat na ang manikang ginawa ni Ian na Pia-inspired. Suot ng mga manika ang national costume ni Pia, gown ni Pia sa Binibining Pilipinas, at ang gown ni Pia sa ABS-CBN Star Magic Ball.

Ayon kay Ian matagal na siyang tagahanga ni Pia. “2013 pa lang po talaga nagustuhan ko na si Pia, unang labas pa lang po niya, mas may kinang si Pia than other candidates. I’m willing to make more dolls for Pia’s fans kung gusto po talaga nila.”

Meron ding regalo ang beteranong designer na si Nardie Presa kay Pia—isang sexy black cocktail dress. “Collection ko siya na ginamit sa Philippine Fashion Week, hindi ko siya binebenta. Kailangan pitasin ko sa mga collection ko for her.” 

Paliwanag pa ni Nardie tungkol sa kanyang creation, “Pia is a very shapely girl, it's a plunging neckline and I put all the beadwork inside, very Pia, oozing with sex appeal.”

Aprobado na rin ang gagamiting float ni Pia sa pag-parada sa kanya sa Manila at Makati sa January 25. Ang premyadong production designer na si Fritz Lorio ang nagdisenyo ng royal blue and white motif na float kung saan tatayo si Pia kasama ang Miss Universe security marshals.

Tatlong araw na lang bago ang homecoming ni Pia na tinaguriang “Most Beautiful Day in the Philippines.”