• Home
  • Fresh Scoops
  • Cesar Montano is happy to be paired with Claudine Barretto for new teleserye.

Cesar Montano hopes the next MMFF will be free from controversy

Cesar Montano is happy to be paired with Claudine Barretto for new teleserye.

Cesar Montano hopes the next MMFF will be free from controversy-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

01/21/2016 07:18 AM
Cesar Montano hopes the next MMFF will be free from controversy
012116-cesar_main.jpgMalungkot si Cesar Montano sa kinalabasan sa takilya ng Metro Manila Film Festival movie niyang Nilalang at maging ng pelikulang Honor Thy Father ni John Lloyd Cruz.

Nakausap siya ng Push.com.ph sa press launch ng TV5 and Viva series na Bakit Manipis Ang Ulap? at sabi niya,“Hindi aangkop yung mga pelikulang seryoso dito sa Metro Manila Film Festival. Hindi dapat ganu’n kaseryoso, dapat pambata lang talaga.”

Iba rin daw ang film festival dito sa Pilipinas at sa abroad.

“Hindi kasi ito katulad ng mga film festival sa abroad na lahat ng art film at yung mga importante at seryosong pelikula ay dito isinasali. Itong sa akin ay kakaibang festival ito. Ito’y komersyal, pambata, ganu’n lang po natin dapat iti-treat ito.

“Kaya nakakalungkot po. Sayang po. Ang sa akin lang po, huwag nilang pabayaan at dapat suportahan nila yung mga maliliit na producers or independent film makers, hindi yung parang winawalang bahala sila,” paliwanag ni Cesar.

“Lalo na in our case, tinanggalan kami ng mga sinehan sa napakaimportanteng araw which is Sunday, eh, that was the day of awards night (December 27). Masakit po para sa producer namin yon. Hindi po dapat ginagawa yon. Dapat po ayusin yon, dapat po magkaroon ng equality sa treatment ng bawat pelikula ng producer,” patuloy pa niya.

Naniniwala si Cesar na kahit pa mahina ang isang pelikulang kasali sa filmfest, hindi ito dapat tinatanggal sa mga sinehan agad-agad.

“Kahit na po mahina yung pelikula, dapat po sinusuportahan pa rin sila kasi diyan po natin mapapalakas ang ating industriya. Kasi isinama nila sa festival yung pelikula kaya dapat sana ay equally divided yung mga sinehang ibibigay sa mga pelikula,” mungkahi pa niya.


012116-cesar_main.jpgNawalan na ba siya ng gana na sumali ulit sa susunod na MMFF season?

“Hindi naman sa nawalan ako ng gana, dapat lang sigurong ituwid yung mga maling nangyayari sa Metro Manila Film Festival katulad nga nu’ng inaalisan ng mga sinehan ang pelikula.

“Kung maaayos yan at sana nga maayos talaga, sasali ulit ako. Kasi mahal ko ang industriyang ito. Sino pa bang magmamalasakit dito kundi tayo ring mga taga-showbiz industry?” he said.

Natuwa naman si Buboy sa ginawa ng Honor Thy Father na dinala sa Congress ang sentimyento tungkol sa pagkaka-disqualified nila sa best picture category ng MMFF.

“At least, nagkaroon ng investigation. Pero dapat talagang mabantayan yan at dapat mga karapat-dapat na tao ang mailagay sa MMFF na hindi mala-lobby, na hindi maku-corrupt. Yan ang importante.

“Ngayon, knowing na ang kinikita pala ng festival ay bilyon sa bawat taon, eh, madali talagang ma-corrupt ang bawat tao diyan sa MMFF. But I’m very positive. Ako, natutuwa ako do’n sa hearing na nangyari sa Congress. Kailangang-kailangan talaga yon, dapat talagang maayos yon,” paliwanag pa ng aktor.

Naikuwento rin ni Cesar na excited siya to be working with Claudine in the series Bakit Manipis Ang Ulap?

Bihira lang yung ganitong opportunity, eh, kaya natutuwa ako talaga. Tapos may love angle pa sa mga characters na pino-portray namin kaya this is really something new for me," sey pa niya.