• Home
  • Fresh Scoops
  • Angel Locsin and Xian Lim say they learned a lot from working with Vilma Santos.

Angel Locsin and Xian Lim share their experiences working with Vilma Santos

Angel Locsin and Xian Lim say they learned a lot from working with Vilma Santos.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

01/20/2016 03:13 AM
Angel Locsin and Xian Lim share their experiences working with Vilma Santos
011916-xianangel_main.jpgParehong first time na nakasama nina Angel Locsin at Xian Lim ang Star for All Seasons at Batangas Governor na si Vilma Santos sa pelikulang Everything About Her sa ilalim ng direction ni Bb. Joyce Bernal. Buhay na buhay at walang tigil ang pag-kuwento nina Angel at Xian ng kanilang naging experience acting with Ate Vi.

Si Angel, dinaan nya daw sa dasal ang lahat bago kunan ang isang eksena.

"Hindi ko po alam kung paano ko siya na-handle talaga eh. Basta po nagdasal ako, naglakad ng paluhod sa Baclaran. Ang hirap dahil ang bait bait niyang artista, ang galing niyang aktres na ang dami ko nahuhugot sa kanyang leksyon but at the same time dahil ang ka-eksena mo ang galing galing ayaw mo mapahiya."

Si Xian naman na nasanay na sa mga kilig na pelikula, aminado na nangapa at nag-adjust sa mga unang araw ng shooting sa kakaiba niyang role sa pelikula bilang anak ni Ate Vi.

"Definitely out of the comfort zone pero yun nga ang sinasabi namin na pinagkakatiwalaan namin ang proseso ni direk Joyce. Talagang kumakapit kami sa technique niya na di kami pinag-uusap bago kunan ang eksena."

Off cam daw ay walang katulad kung makisama si Gov Vi sa lahat ng bumubuo ng pelikula pero kapag sumigaw na aw si Direk Joyce ng "action!" Nag-iiba na daw ang lahat instantly. Hindi makakalimutan ni Angel ang kanyang naging experience dito.

"Kapag action na nag iibang to na si Tita Vi. Nag-iiba siya, nawawala siya talaga. Hindi mo makikita ang Vilma Santos na minamahal lahat ng tao. Makikita mo yung impaktang ito kasi manggigigil ka sa kanya madadala ka sa acting niya."

Si Xian, ang professionalism ni Gov Vi ang hinangaan na gusto niya tularan.

"Ang bilis bilis ng mga pangyayari at naramdaman ko talaga dito na we all have to be focused," pagtatapos ni Xian.