• Home
  • Fresh Scoops
  • Miss Tourism Queen of the Year International Leren Mae Bautista says she and her fellow candidates talked about what happened at the Miss Universe pageant.

Miss Tourism Queen of the Year International admits they discussed the Miss Universe mix-up

Miss Tourism Queen of the Year International Leren Mae Bautista says she and her fellow candidates talked about what happened at the Miss Universe pageant.

Miss Tourism Queen of the Year International admits they discussed the Miss Universe mix-up-Jeff  Fernando
BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

01/03/2016 07:51 AM
Miss Tourism Queen of the Year International admits they discussed the Miss Universe mix-up
010316-LERENMAE.jpgDumating na sa bansa si Leren Mae Bautista, ang 2015-2016 Miss Tourism Queen of the Year International na kinoronahan noong December 31 sa Kuala Lumpur, Malaysia. Suot ni Leren ang kanyang korona at sash ng lumabas sa arrival area para magpa-interview at agad na nag-kuwento ng kanyang experience na mag-uwi ng karangalan sa bansa.

"Sobrang saya ng feeling alam ko lahat ng pinoy proud at para sa atin lahat ito. Sa ngayon ipinfeel ko muna kung ano ang mga kailangan ko gawin pero ang priority ko is charity at mag promote ng tourism, culture, and friendship."

Sa buong experience niya sa pageant, inalis niya daw sa isip niya na kailangan niya makuha ang korona. Basta’t nag-enjoy lang daw siya sa experience at nakipag-kaibigan.

"Pagdating ko po sa Malaysia, lahat ng nangyari doon maganda so na-enjoy ko lang lahat doon sa Malaysia. Na-discover ko sa sarili ko na hindi ko kailangan isipin ang crown. Ang kailangan mo isipin kung paano ka makikisama sa ibang tao at kung paano ka magkakaroon ng kaibigan at paano mo magagampanan ang duties and responsibilities mo matapos mo manalo."

Naging mainit na usapin din daw sa kanilang pageant ang kontrobersyal na nangyari sa Miss Universe pageant kung saan nanalo rin ang kapwa pinay na si Pia Alonzo Wurtzbach. Sinabi ni Leren na thankful siya na walang issue na naganap ng siya ang manalo.

"Sa batch namin wala naman nangyari na inggit, wala rin naman away-away na nangyari. Lahat kami masaya sa ginagawa namin. Hindi kami iyung kailangan ganito at ganyan. Basta masaya po kami sa experience. Yes, pinag-usapan ng batch ang nangyari sa Miss Universe may mga naawa kay Miss Colombia and fortunately hindi naman nangyari sa pageant namin."

Sumailalim din si Leren sa training ng Aces and Queens ni Jonas Gaffud na siya ring nag-train kay Pia Wurtzbach para sa Miss Universe. Si Leren Mae Bautista ang pangatlong Pinay na nakapag-uwi ng korona bilang Miss Toursim Queen of the Year.

010316-LERENMAE1.jpg


Main Photo credit to https://www.mb.com.ph