• Home
  • Fresh Scoops
  • The couple admits they feel pressured to do good in Ningning’s timeslot.

“Be My Lady” set visit reveals kilig vibes of Daniel Matsunaga and Erich Gonzales’ tandem

The couple admits they feel pressured to do good in Ningning’s timeslot.

“Be My Lady” set visit reveals kilig vibes of Daniel Matsunaga and Erich Gonzales’ tandem-Jeff  Fernando
BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

01/18/2016 01:57 AM
“Be My Lady” set visit reveals kilig vibes of Daniel Matsunaga and Erich Gonzales’ tandem
011816-DanRich_PUSH.jpgNag-set visit sa Arayat, Pampanga ang Push.Com.Ph sa teleseryeng Be My Lady na magsisimula na ngayong Lunes ng tanghali. Dito inabutan natin ang picturesque na view ng Mount Arayat na siyang background ng karamihan sa mga eksena ng kilig seryeng pinagbibidahan ng DanRich tandem nina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga na ganadong nagpaka tourist guide sa amin.

"Naku po! Nakikita nyo naman nasa likod namin ang bundok arayat kahit mainit worth it naman lahat maganda po ang lugar!" sabi ni Daniel. 

Si Daniel na isang Braziliano, turistang turista sa magandang tanawin na ito sa Pampanga na hindi niya daw makakalimutan

"Walang pollution sobrang masaya maraming bibe marami kambing (laughs) very natural ang ganda!"

Aminado naman si Daniel na pressured sila sa magiging pagtanggap ng mga manonood sa kanilang Be My Lady serye. Papalitan nila ang Ningning na mataas ang ratings at nagtapos na last Friday.

"Siyempre may pressure di ba pero positive kami kasi maganda ang show tungkol sa Filipino at sa pag-ibig at sa pamilya so marami matututunan sa show na ito. Marami makaka-relate," kwento pa niya. 

Si Erich naman, malaking bagay na si Daniel ang kanyang leading man dahil bukod sa tiwala na ibinigay ng Kapamilya Network sa kanilang tambalan, mas nakikilala daw nila ang isa’t isa sa pagta trabaho ng halos araw araw

"Lahat naman po ng projects espesyal. Siguro po mas espesyal lang ito dahil kasama ko po siya at ang mga tao po dito sobrang saya napaka positive wala po anything na kahit pagod wala po nagre reklamo," sabi pa ni Erich.

011816-DanRich2_PUSH.jpg

011816-DanRich3_PUSH.jpg