• Home
  • Fresh Scoops
  • The Master Showman is finally laid to rest today, January 14 in Loyola Marikina.

Showbiz industry says final farewell and thank you to German Moreno

The Master Showman is finally laid to rest today, January 14 in Loyola Marikina.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

01/14/2016 03:43 PM
Showbiz industry says final farewell and thank you to German Moreno
011416-kuyagerms_main.jpgPast twelve na ng pumasok ang funeral car na nagdadala ng labi ni German “Kuya Germs” Moreno sa Loyola Memorial Park sa Marikina para sa kanyang libing. 

Marami na ang mga tao na nag-aabang at para makiramay sa namayapang showbiz icon. Nagkaroon ng program at seremonyas bago ang paglilibing at magkakasunod na nagbigay ang ilang celebrities ng kanilang madamdaming pamamaalam at pasasalamat tulad ni Lani Mercado, na nagsabing nasaksihan ni Kuya Germs ang lahat ng mahahalagang bahagi ng buhay niya. 

Umiiyak naman sina Vice Mayor Isko Moreno at Jhake Vargas at nagpasalamat sa lahat-lahat ng naitulong sa kanila ni Kuya Germs. 

Si Billy Crawford din ay hindi daw kakalimutan ang lahat ng pangaral sa kanya ng Master Showman. 

Ang magkapatid na Vina Morales at Shaina Magdayao, magkasabay na nagpasalamat kay Kuya Germs na malaking inspirasyon sa kanilang mga career. 

Nag alay ng kanta sina Derick Monasterio na kumanta ng “To Where You Are” at Jonalyn Viray na kumanta naman ng “Hanggang.” 

Nagbigay pasasalamat si Federico Moreno, na nag iisang anak ni Kuya Germs sa lahat ng nakiramay sa kanilang pamilya. 

Sa Linggo, isang misa ng pasasalamat para kay Kuya Germs ang magaganap sa Sampaguita Gardens sa Greenhills.