• Home
  • Fresh Scoops
  • John Lloyd Cruz says he will not lose hope that the Filipino film industry can change for the better.

John Lloyd Cruz wants reform in the Filipino film industry

John Lloyd Cruz says he will not lose hope that the Filipino film industry can change for the better.

John Lloyd Cruz wants reform in the Filipino film industry-Jeff  Fernando
BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

01/14/2016 09:39 AM
John Lloyd Cruz wants reform in the Filipino film industry
011416-jlc1_main.jpgMistulang fans day kahapon sa House of Representatives dahil present ang Kapamilya actor na si John Lloyd Cruz bilang co-producer ng Metro Manila Film Fest movie na Honor Thy Father na nagharap ng reklamo na hindi naging patas ang trato sa kanila sa nakaraang festival. Ayon kay John Lloyd kailangan ng simulan ang pag-aayos sa sistema dahil kailangan ito sa ika aangat ng ating mga pelikula.

"Kasi kung walang gagawa nito sino pa ba ang gagawa ‘di ba? Tayo tayo rin naman ang magtutulungan eh. It’s a good thing para sa mundo ng pelikula."

Hindi tinapos ni John Lloyd ang hearing dahil kailangan niya pumunta sa media conference ng bago niyang pelikulang Hele ng Hiwaga sa Hapis kasama si Piolo Pascual na pasok sa 2016 Berlin International Film Festival Main Category.

"Meron kaming malaking press con din para sa movie with direk Lav Diaz, malaking bagay ito para sa pelikulang Pilipino kasi first time po natin makapasok sa main competition ng Berlin Film Festival. Malaki ito siguro para mas maintindihan ang president po ng jury dito ay si Meryl Streep isang award-winning at napakagaling na aktres."

Proud si John Lloyd dahil nagkakaroon ng katuparan ang mga plano niya na maging parte ng magagandang pelikula na magbibigay karangalan sa bansa.

"Ang ganda kasi unti-unti ang ginagawa natin nagkakaroon ng linaw una sa Honor Thy Father tapos good news nga dito sa Hele ng Hiwaga sa Hapis ni Lav Diaz sobrang ganda."

Pero kuwento ni John Lloyd na simula pa lang ito ng laban at marami pa dapat pagtulungan ayusin sa ating sistema.

"May mas malaking issues pa siyempre pero di ako nawawalan ng loob. Siyempre ito na ang mundo na ginagalawan natin, siyempre importante sa kultura ng Pilipinas. Sana lang makita siya at mabigyan ng halaga," pagtatapos ni John Lloyd.