• Home
  • Fresh Scoops
  • Herbert Bautista wants German Moreno’s projects to continue.

Herbert Bautista lists down the projects German Moreno left behind

Herbert Bautista wants German Moreno’s projects to continue.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

01/13/2016 10:10 AM
Herbert Bautista lists down the projects German Moreno left behind
011316-herbert_main.jpgBalik-pelikula si Quezon City Mayor Herbert Bautista. Palabas na ngayon ang pelikula niyang Lumayo Ka Nga Sa Akin na pang-opening salvo ng Viva Films at Heaven’s Best. Kasama ni Herbert sa pelikula sina Cristine Reyes, Maricel Soriano, Jayson Gainza at marami pang iba.

Pagkatapos ng eleksyon, nangako si Bistek na muling magiging aktibo sa paggawa ng mga pelikula.

Tatakbong mayor si Bistek sa QC at may paliwanag siya kung bakit hindi natuloy ang pagktabo niya bilang senador.

“With the consultations that I did with various political leaders ng Quezon City and some other sectors, I decided to run for reelection and at that time, nakapag-decide na si Hero (his younger brother) saka si Tatess (Gana, dating karelasyon), so, hindi ko na sila mapaurong,” katwiran ni Bistek.

Regarding German Moreno’s death, isa si Mayor Herbert sa mga nalungkot sa nangyari.

“I’m thankful na before he passed away, si Papa (Butch Bautista), nabigyan niya ng star, so ‘yun din ang tanong sa akin nun’g nagpunta ako sa wake, may magtutuloy ba ng Walk of Fame?

“Hindi, eh, it’s a private sector initiative. Sana, meron from the industry. ‘Yun ang kailangang mapag-usapan, kung sino ang puwedeng mag-lead kasi baka puwede ngang Actors’ Guild project ‘yun, eh,” say pa niya.

Ayon kay Bistek, willing siyang tumulong kung sakali sa mga nasimulan ni Kuya Germs sa Walk of Fame. Inisa-isa rin niya ang mga plano ni Kuya Germs noong nabubuhay pa ito.

“Una, he wants Welcome (Rotonda), di ba, may ‘Mabuhay’? Sa ilalim, “Mabuhay, Welcome to the City of Stars.” But this change requires the National Historical Institute’s approval.

“So, isa ‘yun. No. 2, gusto niya, ‘yung buong Circle, doon ilagay ‘yung City of Stars. Eh ‘yung Circle naman is owned by NHA,” paliwanag ng mayor.

“So, ang ginagawa ng city government, pinapalamanan ‘yung slogan na City of Stars by coming up with a Quezon City Film Development Commission, by supporting the organizations, not just film but OPM, ‘yung mga composers.

“No.3, ‘yung magkaroon ng film festivals, no.4 sumusuporta sa MOWELFUND, one way or the other,” pahayag pa niya.